jump to navigation

Bakit ganun??? Enero 22, 2008

Posted by YouAreYou in Life, Rant.
trackback

Sa panahon ngayon isa pa rin bang malaking factor ang itsura ng isang tao pagdating sa paghahanap ng trabaho?

Kailangan ba maganda, seksi at 34-24-36 ang vital stats… sa itsura na ba ng isang tao nasusukat ang kakayahan nito mag trabaho? sa itsura na ba nasusukat ang talino? Pano kung maganda nga siya pero tamad naman, seksi nga siya pero kinakalawang na ang utak?

Sa linya ng propesyon ko di ko naisip na pati samin eh may discrimination! Binabase ang kakayahan sa itsura, sa laki o liit ng katawan. Nakakalungkot isipin pero totoo!

Seksi, matangkad, maputi, kumpleto ang ngipin, plastic ngumiti at with pleasing personality? Aba! baka stewardess ang hanap niyo at hindi nars?! Ok lang sana ako sa ganito walang kaso sakin.. katunayan mas maganda sana kung lahat ng mga nabanggit ko ay meron ka at haharap ka sa pasyente, makakita lang sila ng maganda napaganda mo na din ang araw nila. Baka nga bigla na lang silang tumayo at sabihin nilang magaling na sila at wala na silang nararamdaman. Pero pano naman ang iba? ang iba na hindi maganda, ang hindi seksi?

Isang kaibigan ko ang nakaranas ng ganito… Discrimination! Bakit? Dahil Mataba siya! Tama ba yun?! Matalino ang kaibigan ko at di hamak na mas kabisado niya ang heart conductivity kesa sakin, pero di siya tinanggap dahil mataba siya. Nagulat ako nung sinabi niya sakin toh, akala ko pa nga nagbibiro siya pero totoo. Hindi naman siya mataba na tipong dalawang tao na ang sakop niya pag nakasakay siya ng jeep, tamang chubby lang pero di pa din siya tinanggap. Sabi ko nga sa kanya mas may advantage nga siya sa built ng katawan niya, dahil kung ikukumpara mas kakayanin niyang mag buhat ng pasyente, ako di ko kaya kailangan may katulong ako dahil payat ako. Kung sa mga ospital na aaplyan niya eh marereject siya dahil sa katawan niya, eh di parang nasayang na din ang pinagaralan niya. Hindi ko na tinanong kung anong ospital yun pero malamang private yun. Sana lang hindi lahat ng ospital ganito..

Nakakalungkot isipin pero totoo…

Hindi perpekto ang mundo… At walang perpektong tao…

Mga Komento»

1. PEPE - Enero 22, 2008

Ginawan ko siya ng part two okay lang?
http://eliad08.wordpress.com/2008/01/22/bakit-ganun-part-2/

as if naman may magagawa ako di ba? hehehe! :D may kapalit yan uwian mo ulit ako ng chocolate! nyahaha! :D

2. gasti - Enero 22, 2008

ganyan talaga ang buhay. hindi patas ang laban. yumayaman ang mga mayayaman lalo na yung madami pampaganda at mukhag di gumagawa ng gawaing bahay. pero wag kang susuko ng dahil lang dyan. pakita mo kung ano ang kaya mo…sa huli, yung husay mo ang mapapansin nila.

sana lang talaga sa ibang aspeto maging patas sila… utak na lang talaga labanan ngayon..

3. sommer - Enero 22, 2008

…hay naku, kaya i believe sa litanyang “life’s a bitch” e. unfair noh? pero wala naman tayong magagawa! tsk! :(

i agree! pero wala na talaga tayong magagawa… unfair talaga ang buhay… haaayz…

4. eNocH - Enero 23, 2008

i can’t speak in behalf of that hospital. maybe they have a certain standards that we don’t know. but yeah, being a dead-eye gorgeous is a huge advantage when applying for a new job, sa job interview pa lang. first impressions last, ika nga. then, pag tinignan pa kung saan ka school galing, pag nakasabay mo sa pag-aapply ay galing sa admu, dlsu at UP, patay ka na lalo. kaya di ka magtataka kung bakit maraming nagnanais mag-trabaho sa ibang bansa.

“Hindi perpekto ang mundo… At walang perpektong tao…”

that’s a fact of life. the most important thing is how we live our life through life’s imperfections..

yeah siguro nga ganun yung standards nila kaya na reject friend ko.. kailangan na lang tanggapin na kahit san mo tingnan eh unfair talaga ang buhay..

5. ice - Enero 23, 2008

sobrang unfair talaga minsan, pero may ganon factor talaga eh kaya dapat sa panahon ngayon marunong ka din lumaban.

tama fight lang ng fight! aja! :D hehe!

6. Maldito - Enero 23, 2008

laban mga kapatid..lols…ganun talaga sis…ang buhay ang weder weder lang.parang see-saw…alam mo ang perception ng tao about sa magaganda eh epekto ng media….kung sana pinalaganap lang ng media ang mga panget sa mga commercials eh sana indi na magppili ang mga tao sa maputi, maganda..ek ek na yan.

bakit kaya di nila gawin for once na panget at hindi maputi ang ilagay nila sa commercials para maiba naman.. baka sakaling maiba pa perception ng tao sa maganda.. di ba? ;)

7. repah - Enero 23, 2008

aba nkita ko my part two pa eto ah… nku kurak k dyan minsan tlaga my discrimination.. pero ipinagpapasadiyos ko na lng cla..

kita mo yung part two? hehe! tama pagdasal na lang natin ang kanilang kaluluwa ay mali pagdasal na lang natin sila.. hehe! :D

8. Raymond Lee Quijano - Enero 23, 2008

hmm… pwedeng i-reklamo na ata yang mga ganyang klase ng employer sa POEA (kung overseas ha)

o kaya sa NLRC…

puwede po ba yun? di ko po kase alam kung hospital yun.. pero malamang yun din standards nila kaya di natanggap friend ko.. :(

9. lilmiz - Enero 23, 2008

ganun talaga dito satin, inde patas ang pagtingin :( buti na lang sa work ko inde ako humaharap sa kliyente, kaya siguro ako natanggap wahaha. pero di nga, unfair nyan, buti pa sa ibang bansa yung skills talaga ng tao tinitingnan, hindi yung hitsura or pinag-aralan mo. ang weird pa nun, eh terd world country lang tayo tapos ganun yun standards natin, kaya di umaasenso eh. tsk tsk. nalungkot naman ako para sa friend mo :( pero ok lang yan, makakahanap din sya ng worthy sa galing nya :)

kaya ako sa ibang bansa ako magttrabaho.. hehe! :D meron na siyang inaaplyan na iba and natanggap siya dun.. suwerte ng pgh at nakuha nila siya.. hehe! :D

10. MisyeL - Enero 24, 2008

may sinusunod nga sigurong standard ang ospital na yun pero unfair talaga! kawawa naman yung mga mas magagaling, try na lang sa iba sigurado ako meron pa din dyan na hindi natingin sa panglabas na anyo lang. :D

unfair talaga.. pero sana wala na lang silang ganung standards.. para lahat masayang nakakapagtrabaho.. haaayss…

11. linglingbells - Enero 25, 2008

hi! napadaan. lipunan nga naman.. ang shallow naman ng standards nung ospital na yun.. kabadtrip talaga yun ah!

onga! pero ganun talaga eh.. :(