Posted by YouAreYou in Life, Rant, Sabi ko.
trackback
IT HURTS YAH KNOW!
Ilang araw na ko inaatake ng sakit ng ngipin ko. Tolerable naman kahit papano pero may mga oras na sobrang sakit lalo na pag katapos ko kumain. Actually nung isang taon pa toh, naramdaman ko kase na parang may crack yung ngipin ko ang tantya ko eh in between teeth #10 at teeth #11. Pinasilip ko pa kay kuya sabi niya may crack nga daw pero di naman malaki. So hinayaan ko na lang since hindi naman siya sumasakit. Bago mag pasko nararamdaman ko ng nangingilo… Naisip ko kaagad na malamang sasakit pa siya lalo dahil magpapasko, siyempre kainan yun tska maraming kung ano anong matatamis ang nakahanda. Weakness ko pa naman yun.. hehe! Dumaan ang pasko at tumama ang hinala ko, pasensya na aking mahal na ngipin di ko talagang mapigilan kumain eh baka mamatay ako sa gutom hehe! Kineri ko pa hanggang bagong taon, hindi na siya gaanong sumakit nun kaya akala ko okay na.
Nung isang linggo lang nag balak ng pagaaklas at paghihiganti sakin tong ngipin ko. In fairness successful siya dahil sa tuwing sumasakit ang ngipin ko napapa mura ako ng “shit! masakit ah!” Pag natutulog ako di ko maiwasan i-grind yung ngipin ko dahil sa sakit, ang resulta pag gising ko lalo lang siya sumakit, huhuhu!
Pag kumakain ako ngayon to the left, to the left lang lagi, di puwedeng to the right dahil nandun ang danger zone. Kung irirate ko ang sarili ko sa pain scale ng 1-10 , 1 as “keri mo pa? oo keri ko pa” at 10 as “waaaah! di ko na kaya! kill me na lang puwede??” nasa 7 lang ako. Oh no! close to 10 na din yun ah! Kaya ang ginagawa ko pagtapos kumain eh nilalantakan ko ang pain relievers na available sa lalagyan namin ng droga. Pero kadalasan eh tinitiis ko na lang. hehe! Pasaway!
Sabi ni mader magpatingin na daw ako kay doc ang aking friendly dentist, baka kailangan ko ng magpapasta ulit. Kaya lang tinatamad ako. Ang payo naman ni kuya pa check-up sa dental clinic na malapit sa office niya, magpapa schedule lang daw ako dun, yun lang magpapa schedule ako pero di ako pupunta hehe!
Bata pa lang ako mahilig na ako kumain ng matamis, at kumagat ng yelo. Kaya nung nag papasta ako, sinabihan ako na tigilan ko na yung pagkagat ng yelo dahil nakakasira daw talaga ng ngipin yun. May i follow naman ako kay Doc, masunurin naman ako na pasyente eh. Eh ang kaso, hindi naman yelo ang nakadali sakin ngayon kung di yung maliliit na bato na nasa sinaing namin. Biktima lagi ako nun! Bigla ko na lang nakakagat tapos mararamdaman ko na pati yung ngipin ko unti unti ng nagkakalamat. Lagi din naman ako nagtututbrash kaya wala akong ibang sisihin kung di yung mga maliliit bato na nasa sinaing namin!
Sana pag nagpa check up na ko hindi sabihin ni Doc na “iha kailangan na nating bunutin ang ngipin mo” Waaaaah! ayoko nun!
Dapat patingin mo na nga yang ngipin mo, mahirap na baka lumala pa at manghawa pa ng iba. Advice ko lang bago saingin yung bigas halukayin mo muna at ng maalis ang mga pesteng bato na yan!
maybigasan ba kayo dyan iha? mahirap talaga ihiwalay ang bato sa bigas..nakakatamad na gawain yun. mabuti pa wag ka na lang ngumuya. diretso lunok na lang pagkasubo.
malay mo madaan pa sa pasta yang ipen mo…kaya mo yan!
di naman kasi kailangan nguyain ang kanin, lunok lang ng lunok! bumisita ka sa ‘yong dentista, subukan mo ang aking dentista sa bicutan, si dra. mariateggue, magaling yun, nagbibigay pa ng discount! hehe!
yup, pachek-up mo nga sis pero pachek-up mo lang pag inde na masakit ahehe kasi baga maisipan nyang bunutin bigla! doble sakit na yun haha. wag ka matakot bunutan noh, may anestesya naman
mas ok na mabunutan kesa magtiis ka lagi
magpagbunot ka na lang ng ngipin. mas magiging madali para sayo ang mabuhay. ^_^
ay pareho tayo. may ngipin na rin akong sira at paminsan-minsang sumasakit. may sweet tooth din ako kaya ayaw ko munang pumunta sa dentista sa ngayon. tsaka na siguro kapag umuuga na at delicades nang malulon ko bigla pag natanggal sa gums. haha! sabay tayo pa-dentista. lols!
ganito na lang isipin mo, kapag nabunot na yang ngipin mo, o napapasta, o kung ano man ung gawin ni friendly doc, makakakain ka na ulit ng matatamis na pagkain.
hehhe.
pero takot din ako sa dentista… sabi nga nila, face your fears, live your dreams. no fear. hehhe, libre plug pa.. ^_^
hay naku halos pare-pareho pala tayong takot sa dentista, ewan ko ba pero ganyan din ako nagtitiis until kaya ko pa pag hindi na saka na ako tatakbo sa dentista :).
kailangan ko na din magpatingin sa dentis…pero tamad ako..uhuhuuh…pano ba to?…sabay na tayu magpabunot!whahaha
naku pareho pla tyo girl ngaun nga kakapasta ko lng.. ayaw kc bunutin ng dr. sayang daw… mawawalan ako ng ngipin.. kso parang ung kbila naman ang sumkit.. hahahaha..
Huling sumakit ang ipin ko ng matindi ay nung grade 6 pa ako. mahirap talagang may toothache - you feel helpless.