Nakita kita…… sa panaginip ko… Enero 10, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Muni Muni, Sabi ko.trackback
Pag nanaginip ako, kadalasan pag gising ko di ko na toh maalala, o kaya hindi malinaw. Pero nung isang gabi malinaw sakin ang panaginip ko at hanggang ngayon naalala ko pa. Sobrang weird nga lang ng panaginip ko… di ko tuloy alam kung panaginip ba yun o bangungot.. hehe!
Teka medyo humahaba na entrada ko eh… kwento ko na nga…
Pumunta daw ako sa mall hindi ko alam kung anong pakay ko dun basta naglalakad lang ako… Tumigil ako sa isang spot na maraming tao, nagkukumpulan sila na parang mga langgam na nagppyesta sa isang malaking candy. May lumingon na isang babae sabay sigaw ng YOU!!!! Huh?? Ano daw?? Ako ba yun?? Chinika ako nung babaeng yun.. sabay hatak sakin at dinala ako dun sa mga taong nagkukumpulan. Langyah! Grand EB pala ng mga bloggers! At yung humatak sakin eh si Lilmispasaway, Oha! kumpleto ang mga blogging friends ko.. lahat ng nasa blogroll ko nandun.. si Gasti, si Maldito, si Repah, si Ice, pati na ang mga nasa ibang bansa nandun sa EB na yun, teka kailangan ko pa ba isa isahin, basahin niyo na lang dun sa sidebar ko. Makulit at masaya yung eb na yun sa panaginip ko.. nagaasaran si gasti at si maldito pati si Ice nakisali din. Nagkayayaan daw maginuman hindi ko alam kung sang lugar yun basta parang nag shift na lang ng ibang scene at biglang nasa isang bahay na kami. Hanggang sa nagising na ko.
Hindi naman siya weird talaga kung tutuusin eh, ano ba naman yung mapanaginipan ko kayo at nag EB tayo di ba. Yun nga lang kase, lahat kayo sa panaginip ko eh malinaw ang mukha… As if naman nakita ko na kayo di ba?? Eh bakit kitang kita ko kung anong itsura niyo sa panaginip ko, pati na yung mga pilit na tinatago ang kanilang identity. Puwera na lang kay maldito at kay repah na minsan ng binandera ang mga piktuyrs dito sa WP… hehe!
Ang iniisip ko naman, siguro yun yung iniimagine kong itsura niyo kaya ganun… Ganun ba yun? Sana nga ganun yun… Hanggang ngayon na wiweirduhan pa rin ako sa panaginip na yun…
Kung maipaliliwanag niyo kung bakit ganun ang panaginip ko…. Please explain….
Thank you! ![]()


bwahahahah. kakatuwa naman!
sori at hinatak kita sis ah
ang ganda ko no? (pumayag ka na, kahit sa panaginip mo lang ahaha) .. isa lang ibig sabihin nyan.. isa kang ADIKK!!
parehab na kaw haha 
nakakaaliw naman na story, misan ako pagkagising ko hindi ko na naaalala ung mga panaginip ko, minsan naman sobrang parang totoo na kahil ilan araw i mo malimutan.
haha! talagang kasama pa ko noh? sige nga ano itsura ko? mukhang masaya yung panaginip mo ah! gusto ko yang ideya na yan. di naman siguro malayo sa katotohanan yan…ang malabo eh yung mga nasa ibang bansa.mahirap pagtagpuin ang mga iskedyul.
Mukhang nagkatagpo-tagpo na sa panaginip. may koneksyon kaya itong phenomenon na ito sa blogging? :)… Nakakatuwa
naku sign yan ng pagiging adik.. hala.. nkita mo na pla ako sa panaginip mo.. iba ka tlaga… sana dyosa ako dun… sana managinip rin ako at kyo ang bida.. heheheh,… dahil dyan my tag ako sau.. hahaha..
pagiging adik sa blogs? lolz