isang walang kwentang post Enero 9, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Muni Muni, Okrayan, Random Thoughts, Rant, Sabi ko, sadness.trackback
BABALA: Isa itong walang kwentang post ng may akda. WAG BASAHIN.
Hindi ko inisip na darating ang araw na toh. Ang araw na wala akong maisip na isulat. Ilang araw na din ako nagkakamot ng ulo at laging nakakunot ang noo sa kakaisip “ano bang magandang isulat?”. Bagong ayos pa naman ang bahay ko tapos wala akong maisulat, kahit isang salita man lang ay wala akong mai-type. Marami akong naiisip, pero hindi yun ganun kalalim para isulat ko dito. Sabihin na natin na naging napaka walang kwenta ng buhay ko nung mga nakaraang araw, kaya kahit ako ay walang ganang ikwento sa inyo ito. Oh bummer!
Isa na ba tong sign na kailangan ko ng itigil ang aking blogging career?? (shocks! as if kumikita ako dito hehe!) or isa rin itong sign na nababawasan na ang neurons ko at hindi ko na ma exercise ang aking brain?? Malamang yun yon!
eto ang mga gusto kong isulat na hindi ko alam kung dapat ko pa isulat dito…
* Pumunta ako sa bahay ni ex nung sabado para ibigay ang gift ko sa mama niya, sinali kase ako sa kris kringle nila at si tita ang nabunot ko, bday din ni tita kaya pumunta na ko ng personal dun… pero sa totoo lang pagkain lang habol ko.. lolz!
Kami ba ulit? uhmmm we’re working on it.. ang lablyf ko eh kasing gulo ng utak ko!
* Nainis ako sa tropa ko nung isang araw. naka receive ako ng message galing sa kanya at ang nasasaad ay… “Pare nakalimot ka na ata” Damn it! Hindi lang ako nagttext nakalimot na ko?! wala akong source of income noh! kasalanan ko ba kung di ako nagloload at hindi ako nag ttext sa kanila?! inisip ko tuloy kung may okasyon nung araw na yon… wala naman mag bbday sa tropa ko pero ganun ang text niya sakin.. It hurts you know! Pag may problema naman sila to the rescue ako lagi… eh wala naman silang problema ngayon eh! Ngayon nga lang ako di nagpaparamdam nakalimot na ko! Nag papamiss ako noh! Puntahan nila ko dito sa bahay kung gusto nila ko makausap.. nyahaha!
* Kung mapapansin niyo or kundi niyo pa napapansin eh please lang pansinin niyo na… Bagong gawa ang aking mumunting bahay… (balak ko pa palagyan ng second floor eh pero mapapamahal ako sa gastos lolz!
) Courtesy of my Big Brother ang header ko, pagkatapos ng ilang lambing at pangungulit eh finally bumigay din siya at ginawa niya din ako hehe! He’s lurking around somewhere… pakihanap na lang… hehe!
dati sa blogspot siya tumatambay pero ngayon eh binigyang pansin na rin niya ang kanyang WP blog.
* Nag follow-up ako ng application ko sa isa sa mga inaapplyan ko. Interview na lang kase ang hinihintay ko dun. Tinanong ko kung may schedule na sila ng interview eto ang naging usapan namin.
Moi: Hello Good Morning! NS office?
Lady: yes!
Moi: Ma’am i would like to ask.. may kung may schedule na po for interview.. (sorry my english is bad kaya hindi na ko nag feeling na mag ingles)
Lady: Nakapag exam ka na ba?
Moi: Yes ma’am last november pa po…
Lady: ah ok.. iinform ka naman pag may schedule ka na ng interview so pakihintay mo na lang ok?
Moi: ok. Thank you!
Amputek! maghihintay na naman ako???
* Nung bagong taon nakisabay ako sa putukan. Ubo ang panlaban ko sa mga paputok nila. Di hamak ata na mas malakas yung ubo ko kesa sa mga super lolo at triangle na hawak nila! lolz!
Yun nga lang hanggang ngayon may ubo pa din ako samahan mo pa ng sipon… Kaya hanggang ngayon nag cecelebrate kami ng bagong taon sa bahay. Ang masaya nun eh hindi lang ako ang may ubo, pati kuya ko meron na din… at ang nanay ko kahapon nag reklamo nahawa daw siya samin. Ang lakas ng virus ko! Nyahaha!
Oh? sabi na eh… walang kwenta tong post ko… Bakit binasa mo pa???


ayun!
nahanap din kita. ala kasing bakas ng paa yung pagsilip mo sa bahay ko kaya, inikot ikot ko ang WP para mahanap ko bahay mo. whew!
ako, mas madami akong post na kung tutuusin, ala ding kwenta. pero lam mo di rin mababayaran yung feeling na nailabas mo din kahit papanu nilalaman ng utak mo (kahit pampam ang dating sa tin at sa iba hehe).
have a great day!
ahaha inde naman. ganyan din ako lagi diba, halu-halo na sa isang entry ang mga kwento
eh sa madaldal tayo eh, madami gusto ishare hahah bait naman ni kuya at ginawan ka talaga ng header, pwede ako din? haha.. magpagaling ka! baka mahawa din kasi kami sayo *ubo ubo*
…hiyee, nagblobloghop lang.:)
…ako nga puro nonsense mga entries ko e.:p
helo. gudlak, ngayon na lang ako ulit nakadalaw sa blog mo. bc-bchan kasi eh. anyways, comment na nga may intro pa. ^_^
so kamusta naman ang lablyp? hehehe, talagang nagtanong pa eh noh?
pareho taung ubo ang pinansabay sa pagpapaputok. sana lang di tau buong taon magkasakit. hehehe.
ex pala ha… kaya pala may contact ka nanaman kay “toot”…
ay naku uRu grabe ah… ilang beses ko ng bumabalik dito hindi ako mkapagcomment dinedebug ako.. pero ito na.. haha.. mhilig naman ako magbsa khit ala kwenta.. ska bka my kuto ka gurl kya kamot k ng kamot.. haha.. mag clear ka kc.. uy magpahouse blessing k rin.. bagong pinta ang bahay mo.. ilav it.. pkisabi ky kuya.. madali pla syang mauto mo.. pero ang galing nya… infairful ha.. kinabagan ako sa post mo… awww!