Twenty Two @ Twenty Six Disyembre 26, 2007
Posted by YouAreYou in Life, Random Thoughts, Sabi ko.trackback
Kagabi bago matulog iniisip ko kung may nagawa ba kong tama ngayong taon. Kasalanan marami, at gabi gabi akong nagdadasal at humihingi ng tawad. Naging productive ba ko? uhmm siguro nung mga unang buwan ng taon. Pero ngayon, obvious naman na tambay lang ako. Alas-onse na ko nakatulog. Nagising ako ng alas-dose tiningnan ko ang cellphone ko baka may nagtxt na para bumati. Aba! meron nga.. kaya lang hindi siya yung inaasahan kong unang babati sakin, pero ok na rin napasaya naman niya ko kase di niya ko nakalimutan. Inaasahan kong magiging oridinaryong araw lang ito sakin, kase may pasok sa opisina ang nanay at kuya ko. Ako lang magisa sa bahay maghapon… ay teka nandito pala tatay ko..
Ilang taon na din ganito ang eksena pag bday ko, pinipilit lang namin maging masaya ang celebration kahit kami-kami lang at wala ang mga pwends ko to celebrate with me. Dapat kase talaga twenty five ang bday ko, may side istory kase yan eh teka kwento ko ah…
December 25, 1985. Ready na ang aking nanay na ipanganak ako, CS (caesarian section) kase siya kaya siya na ang namili ng date kung kelan ako ilalabas. Gabi na ng na-prep na for operation ang aking nanay naturukan na din siya ng anesthesia kaya knock-out na siya.. kaya lang… May isang nanay na for emergency delivery, siyempre emergency yun kay inuna na siya kesa sa nanay ko na nahihimbing ng natutulog. 1am December 26 na yun ng ipinanganak ako. Sayang nga at hindi ko kasabay mag bday si baby Jesus. Nung maliit pa ko sinabi sakin ng nanay at tatay ko na ka-bday ko si baby jesus, ako naman tong uto-uto naniwala naman ako at pinagmalaki ko pa sa mga kaklase at kalaro ko. Siyempre inggit sila kase ka-bday ko si baby jesus. Hanggang sa tumungtong ako ng grade 3, nalilito pa rin ako kung kelan ba talaga ang bday ko, kung di ko pa nakita yung birth certificate ko hindi ko pa malalaman at hindi sila aamin. Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana ng kalokohan ko.. lolz!
Naisip ko din kaya nila siguro nagawa yun eh dahil gusto nila makatipid sa paghahanda, kase isasabay na nila sa noche buena ang handa sa bday ko.. tsk! ang utak talaga ng mga magulang ko! lolz
May advantage at disadvantage ang bday ko…
Disadvantage:
- Isa lang ang natatanggap kong regalo, iisa lang para sa pasko at para sa bday ko. Two-in-one!
- Malimit na nakakalimutan na twenty six ang bday ko. Kase minsan nag cecelebrate ako ng maaga mga 17 or 16 para makakapunta lahat ng pwends ko, tuloy akala nila yun mismo ang bday ko.
- Kung ano ang handa nung noche buena yun din ang handa sa bday ko, depende na lang kung may pupuntang bisita, pero kung kami-kami lang malamang recycle yun.
- Minsan may pasok ang nanay ko. Kaya minsan hindi na siya nakakapagluto ng pang handa ko.
Advantage:
- Nung nagaaral pa ko lagi akong ligtas sa panglilibre sa mga kaklase ko kase walang pasok.
- Lagi akong may cake. Pang bawi ng nanay ko sakin para di ako magtampo dahil wala akong handa.
peborit ko cake eh
- Ako ang huling nagbbday sa mga pwends ko, silang lahat bente dos na, ako kakatungtong lang ng bente dos. Kaya ako ang baby nila.. (kapal!) lolz!
- Eto ang araw na super spoiled ako sa nanay at kuya ko, kinabukasan back to normal.
Nadagdagan na naman ng piso ang edad ko. Parang kelan lang twenteen lang ako, ngayon twenteen two na.


waaaaah di ka nagsabi bday mo! ahehe sayang! lolz wala lang
kala mo bibigyan kita regalo no? haha.. happy happy birthday sis! mwah!
belated merry christmas na din
.. dami din ako kilala na malapit sa pasko yun bday.. may dalawang pinsan nga ako na sa 25 mismo ahehe ganyan din mga hinaing nila haha.. oks lang yan, at least parang lahat ng tao nagcecelebrate malapit sa bday mo lolz labo.. bata pa yan 22, early this yr 22 lang din ako huhu bilis na panahon
happy birthday! galeng ng story mo ah pinapaniwala ka nila na xmas bday mo..hehe! oks lang yun 1 hour lang naman pagitan eh..
ui belated ha?.. HAPPY BIRTHDAY!!! wish you more bdays to come.. and MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TOO… go get ur ECARD sa apartment ko.. :p
Belated happy Birthday! Merry Xmas na din ng belated, sama mo na ang new year,
Tag Kita ha? pakikuha na lang sa site ko.