jump to navigation

Im Back! Yaahoo! Disyembre 21, 2007

Posted by YouAreYou in Life, Okrayan, Random Thoughts.
trackback

Finally! Nakapag post din. Ang tagal ko din hinintay ang moment na toh. Yup! Nakakagamit na ko ng pc, at tama bati na kami ni uyah! yehey! ako pala talaga may kasalanan, hehe! Aba malay ko! wala kase ako sa sarili ko nung kinakausap niya ko, kase nasa dream land ako nun, malay ko ba nasungitan ko na pala siya. haha! Pero siyempre ako na ang unang nakipagusap sa kanya, ay mali! ako pala unang nag-text sa kanya… at humingi ng sorry.. from the bottom of my broken heart!

Nilunok ko ang pride ko na kasing taas ng eiffel tower kasabay ng paglunok ng hopia na meryenda ko kanina at nag type ng msg, huminga ng malalim… at… “Message Sent”

Moi: Kuya pagamit na naman ng pc
Kuya: Bakit? di ka pa nga nagsosorry sa kin eh!

may exclamation point sa dulo ng message. naku galit pa din siya.

Moi: Eh ano ba ginawa ko? Hindi lang ako gumising nung ginigising mko bigla mo na lang ako di pinasin.
Kuya: Tanga sinungitan mo ko!

may exclamation point pa din.. at tinanga pa ko. galit pa din si onee chan.

Moi: eh lagi naman kita sinusungitan ah. ngayon ka lang nag react ng ganyan. Sorry na.
Kuya: Lagi? Nun mo lang ako sinungitan ulit noh! Bahala ka nga dyan!

mukhang mahilig tlga siya sa exclamation point. kulang lang sa lambing itong si onechan.

Moi: di naman ako masungit nun ah. oh sorry na.
Kuya: Masungit ka parang plastik ng sorry mo. Gusto ko marinig.

naku! pano yan gusto ko pumupu tapos makikipagusap pa ko sa phone. bahala na.

Moi: hindi plastik yun. Sorry na po.
Kuya: Sige pwede ka na gumamit ng pc

yehey! bati na kami!

Moi: naka lock pa din eh, ganun din di ko magagamit. Salamat at pinagamit mo na ko ng pc.
Kuya: Ambigram password niyan
Moi: Ah ok. Bati na tayo ah. Lapit na bday ko inaaway mo pa ko.
Kuya: Pasaway ka kase!
Moi: eh pasaway naman talaga ako eh.
Kuya: Pasaway ka talaga!

oh diba bati na kami ni uyah! Siguro kung di ko pa siya kinausap mukhang aabot ng pasko ang di namin pagpapansinan. Ilang araw din napanis ang laway ko dahil wala akong kinukulit.. Ngayon makukulit ko na ulit siya! haha!

Sa mga dumalaw sa aking bahay habang wala ako, maraming salamat! At sa mga mahal kong blog friends naway kilala niyo pa ang panglangang ito.. uRu.. Familiar? hehe!

Im back!

*Bow*

Mga Komento»

1. Maldito - Disyembre 22, 2007

ang sweet niyong magkapatid…kami pag away eh away talaga..may kutsilyo..baseball bat…..dami pang weapons..aehhee…..oo..familiar ang uRU…ako kasi ang nagpangalan sau niyan eh..lols

mukha nga daw kami mag syota pag magkasama kami ng kuya ko eh, tuloy pag may gimik kami walang makalapit sakin.. lolz! how can i forget ikaw nga pala nag bigay niyang nick na yan. :D napapansin ko din kase yung ibang bloggers yung nilalagay nilang name sa link ko uRu na. ayaw nila ng buong youareyou, nahahabaan siguro sila.. lolz! :D

2. iceyelo - Disyembre 23, 2007

Uy bait ng bata pag may kailangan. nyahahaha. Okay yan paminsan minsan. tawag diyan lampuhan, lambingang tampuhan hehehe.

welkam bak. :)

salamat! hehe! :)

3. lilmiz - Disyembre 24, 2007

welkam!!!!bak!!!! :D pamasko ko din, san? ahehe :P tama yan, dapat magpakabaet ksi pasko, after pasko pede na magtaray ulit wahehe

pamasko mo.. ah eh.. uhmm.. pag nagkita na lang tayo bigay ko.. :D balak ko nga tarayan siya ulit pag tapos ng pasko.. haha! :D

4. karmi - Disyembre 24, 2007

webak!!! :D

Merry Christmas po sa inyo… ^_^

gip ko po pala por you…

http://i31.photobucket.com/albums/c368/carmefrancia/krismasblog.jpg

tc!

Sweet.. :) Thanks Karmi! And Merry Christmas to you too… :)

5. kengkay - Disyembre 24, 2007

maligayang pasko!

Merry Christmas ate kenks! :)

6. gasti - Disyembre 27, 2007

ang babaw pala ng pinag ugatan ng away..haha! parang balat sibuyas yung kuya mo..mabuti naman at bati na kayo at nakakagamit ka na ng pc.

ay sobra! tinatawanan nga namin siya ng gf niya kase napaka sensitive niya, emotional daw siya nung time na yun eh.. haha! tska naglalambing daw siya tapos sinungitan ko kaya sumama loob.. lolz! para siyang bata tuloy.. hehe! :D

7. PEPE - Enero 2, 2008

Nandyato?!

baka!

8. ukay-ukay ng lumang posts « Living it up! - Enero 29, 2008

[...] - Eto yun eh kase eto yung nakabati ni kapatid.. wahehehe! wala ng mas sasaya pa kung di ang makagamit ng pc [...]