usap tayo… puwede? Disyembre 15, 2007
Posted by YouAreYou in Life, Random Thoughts, sadness.trackback
tinanong mo ko kung puwede ba tayo magkita at magusap ng personal, pumayag ako kase hindi din naman maganda na magkahiwalay tayo ng sa phone lang naguusap. pumunta ka sa bahay, suot mo ang paboritong kong shirt mo. gamit mo ang pabango mo na gustong gusto ko. nasabi ko na lang sa sarili ko nahihirapan ako lalo sa gingawa mo.
tahimik ka… tahimik din ako… kunwari’y nanonood ako ng dvd pero ang totoo hinihintay kitang magsalita.
ayaw mo na ba talaga? tahimik ako… alam kong alam mo ang dahilan pero bakit kailangan itanong mo sakin ulit… kailangan ko ng pahinga, pagod na talaga ako…
hindi ba kita puwedeng tulungan? hindi ko kayang mawala ka hon…
tahimik ako nakayuko… tumulo ang luha ko, pilit ko tinago ang pagluha ko. alam kong ayaw mo ko na nakikitang umiiyak. pero di ko na napigilan… niyakap mo ko tama na wag ka umiyak, tanggap ko na.. tumahaan ka na pls..
hindi ako ganun kadaling patahanin alam mo yan.. halos magalit ka na sakin dahil di mo na ko makausap ng maayos dahil sa hikbi ko.
hindi ko naman gustong mangyari toh eh… wala na talaga akong maramdaman…
oo! tama na.. naiintindihan ko.. wag ka na umiyak. tumahaan ka na.. tanggap ko na wag ka na umiyak..
sorry…
maayos ang naging paguusap natin, naging maayos ang pamamaalam natin sa isa’t-isa.
you hugged me like you never hugged me before, i can feel your heart beat.
you kissed me like you never kissed me before.. and i know that last kiss means goodbye..


ang lungkot naman..
kaya mo yan!
so sad
.. hirap pala makipaghiwalay.. pero at least tapos na at nakapag-usap talaga kau.. hope ur doin ok
bwenamanong napadaan..sad love story agad nabasa ko..saying goodbye is never an easy thing….hanubayan naalala ko tuloy yung “love will lead you back”…eto na yun eh!
wow. naiintindihan ko ang nararamdaman mo. ganyan din ang naramdaman ko last time. pero nakaya ko. alam ko rin naman na kaya mo. pero talagang nariyan ang sakit diba.
We die to be born anew. Be strong. Life goes on. Merry X-mas,
ay…kakalngkot naman to….huhuhuh…..i feel the pain nung guy..cmpre kasi guy din ako.pero wala tayung magagawa….desisiyon mo naman yan eh, isa pa mahirap ang pilitin ng ayaw..OK ka lang ba??you should be ok atleast..cheer up..ero chocolate o…kain ka?
ayayayyy..
ramdam kita. been der dan dat…
ilang hakbang na lang. kaya mo yan.
gudluck