torpe! Disyembre 1, 2007
Posted by angelbert in Muni Muni, Rant.Tags: byahe, torpe, umagang kayganda
trackback
“sa tuwing ika’y nakikita ang buong mundo ko ay tumitigil”
nakasabay na naman kita kanina, para na naman akong nakakita ng anghel sa lupa.
naalala ko pa nung una kitang nakita. nasa unahan ka ng pila, at ako nasa dulo na naman. hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing ikaw ay makakasabay ko sa pila, lagi tayong magkalayo. wala talagang hmmm..
nabuhay ako sa ligaw-tingin, hindi tayo magkasabay na magkalapit sa pila at hindi ko din naman kaya na gumawa ng eksena upang makilala lamang kita. minsan gusto na kitang lapitan, ngunit inaatake ako ng sakit ko. natotorpe ako kapag gusto ko ang isang tao, mahal na ata kita… *lab song dito*
nang isang araw sinagot ako ng hmmmm… nagkatabi tayo sa harapan ng fx! syempre tuwang-tuwa ako. abot tenga ang ngiti ko. kahit antok na antok ako nung umagang iyon, nagtatalon naman ang puso ko sa sobrang tuwa at kaba. anong gagawin ko?! anak ng kamote! natotorpe na naman ako!
babanat ba ako ng “hi [sabay ngiti]” o susubok ako ng pik-ap layn? bahala na kung anong lumabas sa bibig ko, nagtutbras naman ako kanina. hinga ng malalim, isip. hinga. isip. pilit kong tinatanggal ang kaba na aking nararamdaman. naghahanap ng tamang tayming. wala talaga, kabado ako. pero kailangan na kitang makilala. kahit pilipit ang dila, bumanat ako ng “hi [sabay ngiti]“. hindi sya kumibo… hindi ata ako narinig, inulit ko, “hi [sabay ngiti]“. wala talaga!
pinagmasdan kong mabuti ang mukha nya, natutulog?! anak ng barakong baog! bakit ngayon ka pa natulog?! para akong natunaw, para akong binuhusan ng malamig na tubig, nasayang ang eport ko!!! kanina ka pa pala natutulog dyan, simula pa nang ako ay sumakay! wala talagan hmmmm…
wala akong nagawa, pinagmasdan ko na lang ang iyong magandang mukha. hanggang sa ako ay makatulog na din. naramdaman ko na lang na pumara ka na. bumaba ka na at nasayang ang tanging pagkakataon na ikaw ay makilala ko.
… ngayon nasa dulo ka at ako ay nasa harapan ng pila. hindi na kita pinansin at ako ay maleleyt na, saka na lang ulit! makikilala din kita! sasakay na ako. ingat!
bakit ba kasi kailangan ko pang matorpe?! isa lang nasabi ko sa sarili ko, Bok pakyu ka, torpe!
- Bok, mula sa makating utak


belat…..
iba talaga pag “inlab” parang makata ang dating
haha neks taym siguraduhin munang hindi tulog bago mag-hi
cge ka. no guts, no glory di ba
ayan kasi, nag-isip ka pa ng malupet na pick up line, naunahan ka tuloy ng tulog! hehehe