Twenty Two @ Twenty Six Disyembre 26, 2007
Posted by YouAreYou in Life, Random Thoughts, Sabi ko.4 comments
Kagabi bago matulog iniisip ko kung may nagawa ba kong tama ngayong taon. Kasalanan marami, at gabi gabi akong nagdadasal at humihingi ng tawad. Naging productive ba ko? uhmm siguro nung mga unang buwan ng taon. Pero ngayon, obvious naman na tambay lang ako. Alas-onse na ko nakatulog. Nagising ako ng alas-dose tiningnan ko ang cellphone ko baka may nagtxt na para bumati. Aba! meron nga.. kaya lang hindi siya yung inaasahan kong unang babati sakin, pero ok na rin napasaya naman niya ko kase di niya ko nakalimutan. Inaasahan kong magiging oridinaryong araw lang ito sakin, kase may pasok sa opisina ang nanay at kuya ko. Ako lang magisa sa bahay maghapon… ay teka nandito pala tatay ko..
Ilang taon na din ganito ang eksena pag bday ko, pinipilit lang namin maging masaya ang celebration kahit kami-kami lang at wala ang mga pwends ko to celebrate with me. Dapat kase talaga twenty five ang bday ko, may side istory kase yan eh teka kwento ko ah…
December 25, 1985. Ready na ang aking nanay na ipanganak ako, CS (caesarian section) kase siya kaya siya na ang namili ng date kung kelan ako ilalabas. Gabi na ng na-prep na for operation ang aking nanay naturukan na din siya ng anesthesia kaya knock-out na siya.. kaya lang… May isang nanay na for emergency delivery, siyempre emergency yun kay inuna na siya kesa sa nanay ko na nahihimbing ng natutulog. 1am December 26 na yun ng ipinanganak ako. Sayang nga at hindi ko kasabay mag bday si baby Jesus. Nung maliit pa ko sinabi sakin ng nanay at tatay ko na ka-bday ko si baby jesus, ako naman tong uto-uto naniwala naman ako at pinagmalaki ko pa sa mga kaklase at kalaro ko. Siyempre inggit sila kase ka-bday ko si baby jesus. Hanggang sa tumungtong ako ng grade 3, nalilito pa rin ako kung kelan ba talaga ang bday ko, kung di ko pa nakita yung birth certificate ko hindi ko pa malalaman at hindi sila aamin. Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana ng kalokohan ko.. lolz!
Naisip ko din kaya nila siguro nagawa yun eh dahil gusto nila makatipid sa paghahanda, kase isasabay na nila sa noche buena ang handa sa bday ko.. tsk! ang utak talaga ng mga magulang ko! lolz
May advantage at disadvantage ang bday ko…
Disadvantage:
- Isa lang ang natatanggap kong regalo, iisa lang para sa pasko at para sa bday ko. Two-in-one!
- Malimit na nakakalimutan na twenty six ang bday ko. Kase minsan nag cecelebrate ako ng maaga mga 17 or 16 para makakapunta lahat ng pwends ko, tuloy akala nila yun mismo ang bday ko.
- Kung ano ang handa nung noche buena yun din ang handa sa bday ko, depende na lang kung may pupuntang bisita, pero kung kami-kami lang malamang recycle yun.
- Minsan may pasok ang nanay ko. Kaya minsan hindi na siya nakakapagluto ng pang handa ko.
Advantage:
- Nung nagaaral pa ko lagi akong ligtas sa panglilibre sa mga kaklase ko kase walang pasok.
- Lagi akong may cake. Pang bawi ng nanay ko sakin para di ako magtampo dahil wala akong handa.
peborit ko cake eh
- Ako ang huling nagbbday sa mga pwends ko, silang lahat bente dos na, ako kakatungtong lang ng bente dos. Kaya ako ang baby nila.. (kapal!) lolz!
- Eto ang araw na super spoiled ako sa nanay at kuya ko, kinabukasan back to normal.
Nadagdagan na naman ng piso ang edad ko. Parang kelan lang twenteen lang ako, ngayon twenteen two na.
Ipakita mo ang puno mo Disyembre 25, 2007
Posted by YouAreYou in Sabi ko, tag.2 comments
Pasko na pero ngayon ko pa lang gagawin tong assignment ko..
A two-in-one tag from ate ris, medyo late na pero pwede pang ihabol. ![]()
Show your christmas tree
Eto ang aming christmas tree, maliit lang yan table tree lang kase.. hindi na kase puwede ang giant christmas tree dito sa bahay dahil masikip na. Ako ang nagtyagang maglagay ng anik anik at burloloy ng christmas tree na yan, at kung hindi pa ko nagsipag itayo yan malamang ni isang christmas decor eh wala dito sa bahay. Red and gold ang motif ng burloloy nyan obvious naman eh at hindi star ang na sa tutok ng tree kung di isang malaking red ribbon.
![]()
![]()
![]()
Show your wallet
Madami akong wallet pero lahat yun walang laman lolz! actually gusto ko tlga may pinagpipilian ako, papalit palit kase ako ng wallet depende kase sa laki at liit ng bag na gamit ko. Ngayon yung maliit na wallet lang gamit ko, naiinis kase ako minsan magdala ng malaki at mahabang wallet.
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
Walang laman ang wallet ko kung di id’s, id’s, at id’s lang.. lolz! baka kase mawala ako at makalimutan ko kung sino ako, mabuti ng may maipakita akong katibayan ng tunay na pagkatao ko.. lolz!
isa ding reason kung bakit makapal ang wallet ko eh dahil sa nagtatago ako ng resibo. Ewan ko ba bakit di ko magawang itapon lahat yun.
![]()
Sabi ng nanay ko wag ko daw hahayaang walang lamang pera ang wallet ko, dapat daw magtago ako kahit piso para may tao “daw” sa wallet ko. Dati si Rizal lang yung “tao” ko sa wallet. Ngayon…
Taaaarrraaaan!!!
Presenting… Apolinario Mabini, Manuel L. Quezon, Yusof bin Ishak (sa pera ng singapore), George Washington, at yung isa pa na panot at mahaba ang balbas sa pera ng vietnam. Sila ang mga tao ko sa wallet nagsisilbi silang taga bantay pag wala akong pera lolz! Iniingatan ko si Mabini kase bihira na lang yung ganyan pera ngyon kaya ayan nanatili siyang malutong. hehe! Si Quezon naman iniiwasan kong gastusin kahit ala akong pera di ko siya ginagastos. Nakatago sila sa kasuluksulukan ng wallet ko, para di ko nakikita.
![]()
![]()
May sariling lugar ang mga barya ko, para hindi na ko mahirapan dumukot ng barya sa bulsa ng bag ko.
whew! Natapos ko din.. Now im passing this tag to… Fau, and Cdy173
Merry Christmas to all. ![]()
Pakibasa… Disyembre 25, 2007
Posted by YouAreYou in Sabi ko.6 comments
Quick post…
To you… Oo para sayo toh na nagbabasa ngayon… at para na rin sa mga blog friends, blagista, bloggers, at sa buong WP…

MERRY CHRISTMAS!!!
Im Back! Yaahoo! Disyembre 21, 2007
Posted by YouAreYou in Life, Okrayan, Random Thoughts.8 comments
Finally! Nakapag post din. Ang tagal ko din hinintay ang moment na toh. Yup! Nakakagamit na ko ng pc, at tama bati na kami ni uyah! yehey! ako pala talaga may kasalanan, hehe! Aba malay ko! wala kase ako sa sarili ko nung kinakausap niya ko, kase nasa dream land ako nun, malay ko ba nasungitan ko na pala siya. haha! Pero siyempre ako na ang unang nakipagusap sa kanya, ay mali! ako pala unang nag-text sa kanya… at humingi ng sorry.. from the bottom of my broken heart!
Nilunok ko ang pride ko na kasing taas ng eiffel tower kasabay ng paglunok ng hopia na meryenda ko kanina at nag type ng msg, huminga ng malalim… at… “Message Sent”
Moi: Kuya pagamit na naman ng pc
Kuya: Bakit? di ka pa nga nagsosorry sa kin eh!
may exclamation point sa dulo ng message. naku galit pa din siya.
Moi: Eh ano ba ginawa ko? Hindi lang ako gumising nung ginigising mko bigla mo na lang ako di pinasin.
Kuya: Tanga sinungitan mo ko!
may exclamation point pa din.. at tinanga pa ko. galit pa din si onee chan.
Moi: eh lagi naman kita sinusungitan ah. ngayon ka lang nag react ng ganyan. Sorry na.
Kuya: Lagi? Nun mo lang ako sinungitan ulit noh! Bahala ka nga dyan!
mukhang mahilig tlga siya sa exclamation point. kulang lang sa lambing itong si onechan.
Moi: di naman ako masungit nun ah. oh sorry na.
Kuya: Masungit ka parang plastik ng sorry mo. Gusto ko marinig.
naku! pano yan gusto ko pumupu tapos makikipagusap pa ko sa phone. bahala na.
Moi: hindi plastik yun. Sorry na po.
Kuya: Sige pwede ka na gumamit ng pc
yehey! bati na kami!
Moi: naka lock pa din eh, ganun din di ko magagamit. Salamat at pinagamit mo na ko ng pc.
Kuya: Ambigram password niyan
Moi: Ah ok. Bati na tayo ah. Lapit na bday ko inaaway mo pa ko.
Kuya: Pasaway ka kase!
Moi: eh pasaway naman talaga ako eh.
Kuya: Pasaway ka talaga!
oh diba bati na kami ni uyah! Siguro kung di ko pa siya kinausap mukhang aabot ng pasko ang di namin pagpapansinan. Ilang araw din napanis ang laway ko dahil wala akong kinukulit.. Ngayon makukulit ko na ulit siya! haha!
Sa mga dumalaw sa aking bahay habang wala ako, maraming salamat! At sa mga mahal kong blog friends naway kilala niyo pa ang panglangang ito.. uRu.. Familiar? hehe!
Im back!
*Bow*
usap tayo… puwede? Disyembre 15, 2007
Posted by YouAreYou in Life, Random Thoughts, sadness.7 comments
tinanong mo ko kung puwede ba tayo magkita at magusap ng personal, pumayag ako kase hindi din naman maganda na magkahiwalay tayo ng sa phone lang naguusap. pumunta ka sa bahay, suot mo ang paboritong kong shirt mo. gamit mo ang pabango mo na gustong gusto ko. nasabi ko na lang sa sarili ko nahihirapan ako lalo sa gingawa mo.
tahimik ka… tahimik din ako… kunwari’y nanonood ako ng dvd pero ang totoo hinihintay kitang magsalita.
ayaw mo na ba talaga? tahimik ako… alam kong alam mo ang dahilan pero bakit kailangan itanong mo sakin ulit… kailangan ko ng pahinga, pagod na talaga ako…
hindi ba kita puwedeng tulungan? hindi ko kayang mawala ka hon…
tahimik ako nakayuko… tumulo ang luha ko, pilit ko tinago ang pagluha ko. alam kong ayaw mo ko na nakikitang umiiyak. pero di ko na napigilan… niyakap mo ko tama na wag ka umiyak, tanggap ko na.. tumahaan ka na pls..
hindi ako ganun kadaling patahanin alam mo yan.. halos magalit ka na sakin dahil di mo na ko makausap ng maayos dahil sa hikbi ko.
hindi ko naman gustong mangyari toh eh… wala na talaga akong maramdaman…
oo! tama na.. naiintindihan ko.. wag ka na umiyak. tumahaan ka na.. tanggap ko na wag ka na umiyak..
sorry…
maayos ang naging paguusap natin, naging maayos ang pamamaalam natin sa isa’t-isa.
you hugged me like you never hugged me before, i can feel your heart beat.
you kissed me like you never kissed me before.. and i know that last kiss means goodbye..
pansamantala Disyembre 15, 2007
Posted by YouAreYou in Uncategorized.1 comment so far
pansamantala akong nawala sa blog world, hindi dahil sa sobrang depression ko sa nangyari sakin nung nakaraang araw kung di dahil nagaway kami ng aking mahal na kapatid. actually hindi away yun eh kase bigla na lang di niya ko pinansin. pag gising ko na lang patay ang pc at aba! may password bago ka maka log-in sa windows. obviously di ko alam ang password na yun kaya hindi ako makagamit. wala din akong magawa dahil nasa kuwarto ni kapatid ang pc. ayoko naman siyang kausapin, ni hindi ko nga alam kung bakit di niya ko pinansin bigla eh.
ilang araw ako nagtiis, nangangati na ang mga daliri ko dahil gustong gusto ko na magsulat. ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong isulat, nabelawala lahat yun dahil nakalimutan ko na. oo! tama! nakalimutan ko na! yun ang problema sakin, pag may ideyang pumasok sa utak ko dapat isulat ko ito agad kung hindi makakalimutan ko ito na parang hangin lang na dumampi sa mukha ko. namiss ko ang pag blog-hop, namiss ko ang pagdalaw sa mga peborit kong sites. ngayon kailngan ko bumawi.
pansamantala lang naman ito, dahil di pa din ako kinakausap ni kapatid kaya wala pa din akong karapatan sa pc.. ang amot noh? nakagamit lang ako ngayon dahil lumayas siya at iniwan ang pc na bukas, mamaya lang babalik na din yun at hindi na naman ako makakagamit.
babalik din ako.. siyempre di ko kayo matitiis eh.
tired or broken Disyembre 12, 2007
Posted by YouAreYou in Life, Random Thoughts, sadness.11 comments
can love really tire you out?
i said i was tired and i needed a time off. you gave it to me, without second thoughts. you said it’s ok. take all the time you need think it over, if you want us to be together tell me, im just here.
After that conversation, tears fell. why am i doing this? why am i having this feeling? why now?
i wanted this so bad for a long time. but why am i hurting?
am i being selfish? am i not thinking about your feelings?
i asked my self so many times… am i really tired? or have i fallen out of love? is there such thing as falling out of love?
now my days will pass by without you. its sad. and i should face that reality.
sorry is not enough for the pain that i caused you…
tambay na yuppie Disyembre 10, 2007
Posted by YouAreYou in Life.Tags: Life, Random Thoughts
4 comments
Kuya: kamusta naman?
Moi: kamusta ka diyan?!
Kuya: bakit ang tahimik mo? kuwento ka naman..
Moi: may ginagawa ako malamang kaya tahimik ako..
Kuya: eh hindi ka naman ganyan eh.. kuwento ka dali.. uhmm kamusta naman ang buhay mo bilang isang tambay na yuppie.. Uyy magandang term yun ah.. tambay na yuppie.. para sa mga young professionals na walang trabaho..
Moi: nangaasar ka?
Kuya: hindi! Im just saying.. hehe! you should consider yourself lucky kase may license ka na di ba.. first take ka pa..
Moi: Lisensyado nga tambay naman! Anong lucky dun!
I remember having this conversation with my kuya.. Tambay na yuppie? uhmm not bad.. pero medyo natatamaan pa din ako. Hindi naman kase madaling maging tambay eh.. considering na may license ako and all. Yung lisensya ko ayun! Palamuti sa wallet ko. Yun na lang ang nagiisang bagay na nagpapaala sakin ng lahat ng achievements ko last year.
Nung nagkita-kita kami ng barkada ko last friday.. Marami nagtanong, marami naki usisa..
Pare ko#1: ano pinagkakaabalahan mo ngayon?
Moi: wala lang tambay.. (sabay tawa)
Pare ko#1: sabagay di ka naman mabobored dito kase marami kang puwedeng gawin.. kahit siguro ako pag tumira dito hindi ako mabobored hehe!
Moi: ah oo. (kung alam mo lang nabobored din ako)
Pare ko#2: ano ginagawa mo ngayon? nag-apply ka na ba?
Moi: yeah i did!
Pare ko#2: saan?
Moi: sa ospital na hindi ko na babanggitin ang pangalan
Pare ko#2: nag exam ka na?
Moi: yup! interview na lang hinihintay ko..
Pare ko#2: talaga? kelan daw
Moi: next year pa daw sila mag sked ng interview.. medyo matagal nga eh pero naiintindihan ko naman kase alanganin na mag hire ngayon kase end of the year na.
Pare ko#2: sabagay.. Good luck pare ah!
Moi: salamat.. (sabay ngiti)
Sa bawat tanong nila.. napapaisip ako.. naiinggit.. dahil ang iba sa mga kaibigan ko nagttraining na sa ospital.. ang iba naman nagrereview para sa NCLEX.. yung iba sa call center nagttrabaho.. At ako?? eto tambay.. hindi magandang pakinggan di ba? Alam ko hindi lang naman ako ang nakakaranas ng ganito dahil ang ibang kaibigan ko din ay naghihintay pa ng result ng board exam.. pero kahit na sabihin ko sa sarili ko na may kadamay naman ako, di ko pa rin maalis ang mainis sa sarili. Hindi naman ako tamad, hindi rin batugan.. Katunayan nga tumutulong ako dito sa bahay dahil sa ngayon ay yun lang ang magagawa ko at maitutulong ko. Halos apat na buwan na din akong ganito pero pinipilit ko pa din sulitin ang bawat oras ng pagiging tambay ko dahil alam ko pag nagtrabaho na ko hindi ko na magagawa lahat ng gingawa ko ngayon.
Buti nga hindi ako pinipilit ng nanay ko na maghanap ng trabaho, siguro na iintindihan din niya ako, at alam niya na ngayon lang ako nakapagpahinga ng ganito katagal. Nung nagaaral pa kase ako dalawang summer ang pinalampas ko.. wala akong bakasyon puro ako aral. Pagkatapos ko makagrad ng college diretso review agad ako para sa board exam, actually ilang buwan bago nung mismong graduation eh nagrereview na ko kasama ang ilang mga kaklase ko. (hindi kami atat mag review noh?)
Pagkatapos makapasa at makuha ang lisensya nagdecide kami ng ilang kaibigan ko na mag volunteer muna, yun din ang suggestion ng dalawang tita ko na isang midwife at isang nars sa ibang bansa para daw may background ako kung pano magtrabaho sa ospital na walang hinihintay na grade galing sa mga clinical instructor. Masaya naman, dahil madami din akong natututunan, yun nga lang walang kaming suweldo. Pagkatapos ng ilang buwan na pag vovolunteer, tumigil ang mundo ko.. Dito sa bahay.. Sinubukan din namin mag apply.. pero malas kami kase wala masyadong hiring nung nagapply kami. Kung meron man bumabagsak kami sa exam (kase naman yung exam nila mas mahirap pa sa board! nagpapalusot lang ako hehe!). Iniisip ko tuloy kung siguro hindi ako nag volunteer at nag hanap agad ako ng trabaho siguro nasa ospital na ko ngayon na humaharap sa mga pasyente. Totoo nasa huli ang pagsisisi…
Reality hits me again… Salamat kay fau dahil napadaan ako sa blog niya at may nagpaalala sakin na hindi habang buhay puwede akong maging tambay na yuppie.
tuloy pa rin Disyembre 8, 2007
Posted by YouAreYou in Muni Muni.5 comments
8am na kailangan ko ng bumangon, pero may pumipigil sakin.. besides sa gusto ko pang matulog.. masakit din ang katawan ko.. pati lalamunan ko.. Shit! Tonsillitis na naman toh! Ramdam ko malapit nako lagnatin.. Mabigat ang mga mata ko. Hirap pa ko kumilos sa sobrang sakit ng katawan ko.
Bakit ngayon pa! May party dito sa bahay within 2 hours darating na yung tropa. Pinilit ko bumangon kahit ayoko pa.. kumain kahit hirap lumunok.. nag post ako ng entry sa blog kahit masakit ang ulo. 11am na wala pa sila, sabi kase 10am daw. Sige ok lang may oras pa ko magpahinga.. Biglang nagtext si friend..
Pare ko#1: Sino na nandyan?
Moi: Wala pa! sabi na eh yang 10am niyo 12 nn na! masama pakiramdam ko pare.. cancel na lang natin yung party
Pare ko#1: At may ganung factor?
Moi: hehe! biro lang! pero seryoso masama talaga pakiramdam ko..
Pare ko#1: Papunta na yung iba dyan.. magsaing ka na pangalan ko dito hehehe!
Hindi na ko nagreply medyo naasar ako eh.. Utusan ba ko?? parang di niya nabasa yung sinabi ko na masama pakiramdam ko.. pero sige dahil labs ko sila ginawa ko na lang.
11:30 may dumating na dalawang friends ko.. tapos sunod sunod na silang dumating.. Hindi pa nila alam na habang nagkakatuwaan kami.. eh nilalagnat na ko. Pilit ko pa din sila inasikaso.. kase naman sakin yung bahay.. Mahirap talaga pag ikaw ang host ng party lahat gagawin mo.. di din puwedeng uminom kase walang magliligpit. Sige ayus lang keri ko pa naman. Medyo nainis lang ako kase ang kalat nila magluto, kaya tuloy naka buntot ako sa kanila kahit san sila magpunta para damputin lahat ng basura. Instant alila ako ah! Sige ok lang labs ko kayo eh.. tska sanay na ko pag dito kayo nagluluto makalat talaga kayo! hehe!
3pm na natapos din ako sa pagligpit sa kusina at pag hugas ng pinggan. Finally nakapagpahinga din. Nagayos din ako ng sarili ko kase medyo hagard na itsura ko.. Maya maya narinig ko sila nagbubulungan..
Pare ko#1: Pare magambagan tayo ulit…
Pare ko#2: Ambagan? bakit nag ambag na tayo ah..
Pare ko#1: Wala ng gas pare.. namatay yung apoy sa kalan habang nakasalang yung sauce ng pasta..
Pare ko#3: Hala! baka magalit si pangalan ko dito
Pare ko#1: kaya nga mag ambagan na lang tayo eh..
Hindi nila alam nariring ko usapan nila… medyo natatawa din ako kase di nila masabi sakin na wala ng gas.. Finally i broke my silence… hehehe!
Moi: Bakit anong meron? Luto na yung sauce?
Pare ko#1: Pare wala ng gas… sorry…
Moi: Hindi nga? (kunwari walang alam hehe!)
Pare ko#1: oo nga.. sorry naubos ata namin..
Moi: Sira ayus lang noh! Matagal na din naman yan eh.. baka oras na niyan maubos.. hehe! sige text ko si mader sabihin ko sa kanya..
Pare ko#1: nakakahiya pare wag na.. magaambagan na lang kami..
Moi: Leche! ngayon pa kayo na hiya sakin.. eto naman! ok nga lang eh..
nakakatuwang isipin na sa tagal na ng pinagsamahan namin may gana pa silang mahiya sakin.. hehe!
Dumating si gas boy dala yung pina deliver kong gas buti na lang may nakatagong pera si mader dito sa bahay kaya may naibayad naman ako hehe!.. Tuloy sa pag luluto ang iba.. yung iba naman ayun nagiinom na! Hehe! buti na lang may rason ako para di ako mag inom.. bwahaha!
5pm tapos na maginom tapos na din iluto ang pang hapunan.. Para kaseng last supper yung dating ng handa nila eh. Ang daming hinanda parang di na kami magkikita.. asus! Nabored ang iba.. wala na kaseng ibang magawa kundi magkuwentuhan na lang.. Dumaan ang isang oras na ang topic ng usapan ay sex, work, opportunities abroad, at lovelife. Maya maya lang nagsimula na naman magtawanan.. Suamakit yung panga ko kakatawa medyo nakalimutan ko na nga na may sakit ako eh.. hehe!
8pm dumating si mader.. Tuwang tuwa siya makita ulit lahat ng kaibigan ko.. Mas mahal na nga ata niya yung tropa ko kesa samin ni kuya eh.. hehehe! Pagtapos nag decide na din silang umuwi. Pagalis nila.. Naramdaman ko ulit ang sakit ng katawan ko.. May sakit pa din ako!
9:30pm humiga na ko.. Nagrequest ako kay kuya ng tubig tska gamot.. Hindi ko na kinaya.. Double na yung kumot ko, naka sweater pa ko pero giniginaw pa din ako. May sakit na talaga ako. Kinailangan ko ng matulog..
Masaya pa rin ako kase natuloy pa rin yung party.. kahit na medyo disaster.. hehe! Masaya din ako kase nakita ko ulit lahat ng kaibigan ko.. ay hindi pala lahat may mga absent pero ok lang madami pa din naman kase yung pumunta kahapon.. Sa mga hindi nakapunta.. ahh ehh.. Mainggit kayo! bawahaha! Masaya din ako kase kahit may sakit ako tuloy pa rin ang party..
Front Page Disyembre 7, 2007
Posted by YouAreYou in Uncategorized.2 comments
I know this issue is soooo yesterday already. But still i want to share this to you..
Galing si Mader sa HK last week. Tinanong namin siya ni kuya kung nabalitaan ba niya yung nangyari dito sa Pinas. “Siyempre!” sagot ni mader, sabagay ang tanga nga naman ng tanong namin. Malamang mababalitaan niya yun kase may TV dun, sheeesh! (stupid) Dinala niya yung newspaper galing dun (basta may ma-uwi lang hehe!) iniabot niya sa amin sabay sabi ng (in a sad tone) “eto basahin niyo. Front Page tayo!” Me and kuya in a happy tone “Uy sikat tayo! wooohoo!”
Beautiful!
And in the international news section… ang nasasaad ay.. eto… How to plot a coup in Manila! I love it! haha! =)
Something caught my eye…..
Hay ang sad.. Front page nga ang pinas tungkol naman sa coup yung balita…





