Ng dahil sa walk out Nobyembre 29, 2007
Posted by YouAreYou in Rant.trackback
Badtrip! gumawa na naman ng eksena sa makati!
Tahimik ang araw ko ng biglang nag text ang aking butihing ama *ahem* may coup daw at manood ako ng balita. Uhmm di ko alam yun ah.. busy ako nanonood ng ibang programa sa tv. Paglipat ko ng channel ayun! si Trillanes at si Lim nag walk out daw sila at pumunta sila sa Manila Peninsula. Nag patawag sila ng press con at nanawagan na bumaba si P.GMA. Uhmm.. kung bababa si GMA sa kanyang puwesto sino naman ang gusto niyong ipalit? Mga corrupt din? *isip-isip*
Haay… Hindi naman sana ako mababadtrip ng ganito eh kaya lang ng dahil sa ginawa niyong pag walk out at pagawa ng eksena sa makati eh mahigit 2 oras nag babalita sa kapuso at kapamilya network! Hindi ko tuloy napanood ang mga peborit kong palabas! At dahil sa ginawa niyong walk out hindi tuloy ako nakapanood ng PBB (badtrip talaga ako as in)
Mas gugustuhin ko pa manood ng ibang programa kaysa yung ginawang niyong eksena kanina. Asar Tlaga!


hindi ka ba nabo-bother na marami satin ang wala na halos pakialam (at kasama na ako doon)? haha. wala akong pakialam pero parang nakaka-bother din yung apathy ng marami.
medyo bothered din.. pero part two na yung ginawa nila.. hanggang ngayon di pa din sila pinakinggan.. haaays..
go go go PBB!!pero i dont watch it…OA kasi..lols.
kabadtrip nga.. pawalk-out2x eh wala namang resulta hehe.. pero ok na naman, ngayon mapapanood mo na mga paborito mong programa ahaha