Walang gamot sa insecure Nobyembre 27, 2007
Posted by YouAreYou in Okrayan.trackback
Natatawa ako sayo! Binubuo mo ang araw ko sa mga banat mo! Isa kang malaking joke para sakin! *isang tawang malupit*
Pasalamat ka at mabait ako.. di ako nakikipag away sa mga katulad mong gumagawa ng eksena! Pero sa isang banda hindi ako papayag na titirahin mo ko ng ganun na lang. Kaya eto, dahil napaka bait mo maglalaan ako ng space para sayo dito sa blog ko… Matuwa ka! and be proud of yourself dahil ang isang tulad mo ay pinaglaanan ko ng panahon!
*Applause*
Teka moment ko toh.. Ahem! Ahem!
Kase naman.. kase naman.. ibabandera mo lang din naman yang sarili mo wag naman sa harap ko! Sablay ka kase! Di mo ba alam na honest siya? Malas mo lang sinasabi niya sakin lahat ng kalokohan mo sa text. Tinatawanan ko lang lahat ng mga ginagawa mo! Mahina ka pa!
Gagawa ka lang ng eksena sa mundo ng pwendster siguraduhin mo munang may maniniwala sayo. Gusto mo makipagbalikan sa kanya??
Fine! Go ahead! Iyo na siya! Ibibigay ko siya sayo ng buo. Walang labis, walang kulang (wala nga ba??). Total naman ang pinapalabas mo eh ako ang nang agaw! Di ba?!
O wag mo ideny?! nag hasik ka ng lagim dun at ako ang pinapalabas mong masama at ikaw ang kawawa!
Puwes ibabalik ko siya sayo kung yun lang din naman ang ipinuputok ng buchi mo! Hindi ako bababa sa level mo at makikipag away ng dahil lang sa lalake! Sabihin mo lang kung kelan at ipapa deliver ko diyan mismo sa harap ng bahay mo naka kahon with matching ribbon and card pa.. merry christmas in advance! O ayan ah sagot ko na yung shipping.. siguro naman wala ka ng angal niyan??
Ang lagay eh, bumalik nga ba talaga siya sayo??
Bago ka kase gumawa ng eksena kilalanin mo muna kung sino binabangga mo. Di mo ba alam isang malaking Pader ang binabangga mo! (oo pader ako! di lang halata)
Ok na sana eh. Kase tahimik kong minamatyagan ang mga kilos mo.. pero sumablay ka! Watch your words kase.. Tuloy nabasag ang katahimikan ko!
Ako kase binabanatan mo ng mga hirit mo. Wag ganun. Bad yun! Tuloy ang labas eh insecure ka.. Walang gamot diyan neng! Kahit sang ospital ka pa pumunta ako na nagsasabi sayo sisipain ka lang nila palabas!
Di ka pa tapos alam ko.. Maghahasik ka pa ng lagim! Yang mga hirit mo eh masusundan pa dahil nga kase super bait ko di kita papatulan. Bukas lang may makikita na naman akong dumi mo na naiwan sa profile niya. Sige gawin mo lang yan.. Naaliw kase ako sayo eh! Araw araw laugh trip toh!
People never fail to amuse me! (*evil laugh* kita na baga kakatawa)


ahahah.. go sistah!! that’s the spirit!
.. oo nga naman, ala talagang gamot sa mga insecure! dapat sa mga yan ay tanggalan ng toooot (*censored) wahahah .. heniway, relaks ka lang, ipabasa mo ang entry mo na to, malamang magtatago na yun 4ever! bwahahaha *evil laugh*
very will said
pag nabasa nya to baka lanong ma-insecure yun..go..go..go dito lang ako sa likod mo..