jump to navigation

Ng dahil sa walk out Nobyembre 29, 2007

Posted by YouAreYou in Rant.
4 comments

Badtrip! gumawa na naman ng eksena sa makati!

Tahimik ang araw ko ng biglang nag text ang aking butihing ama *ahem* may coup daw at manood ako ng balita. Uhmm di ko alam yun ah.. busy ako nanonood ng ibang programa sa tv. Paglipat ko ng channel ayun! si Trillanes at si Lim nag walk out daw sila at pumunta sila sa Manila Peninsula. Nag patawag sila ng press con at nanawagan na bumaba si P.GMA. Uhmm.. kung bababa si GMA sa kanyang puwesto sino naman ang gusto niyong ipalit? Mga corrupt din? *isip-isip*

Haay… Hindi naman sana ako mababadtrip ng ganito eh kaya lang ng dahil sa ginawa niyong pag walk out at pagawa ng eksena sa makati eh mahigit 2 oras nag babalita sa kapuso at kapamilya network! Hindi ko tuloy napanood ang mga peborit kong palabas! At dahil sa ginawa niyong walk out hindi tuloy ako nakapanood ng PBB (badtrip talaga ako as in)

Mas gugustuhin ko pa manood ng ibang programa kaysa yung ginawang niyong eksena kanina. Asar Tlaga!

Quits Nobyembre 28, 2007

Posted by YouAreYou in Uncategorized.
1 comment so far

Pare ko#1: kung ang tawag sa mga girls na sobrang hilig sa sex ay… “Nymphomaniac” ano naman ang tawag sa mga boys na sobrang hilig sa sex?… Wala lang normal… =)

Moi: Unfair pare! Payag ka walang tawag sa boys! im sure meron! *OA mag react*

Pare ko#1: Haha! ang dami niyo nag react! eto reply ni Pare ko#2.. “sa lalake normal lang?? Unfair!”

Moi: sabi na eh marami magrereact sa message mo!  haha! kase naman meron tawag sa kanila! alam ko meron!

Pare ko#1:  Ui meron ah… Sexual Aggression in male is called SATYRIASIS - yan forward ni Classmate nya so meron tawag sa kanila ha. hekhek! tama na react!

Moi: Buti naman! ayan quits na! haha!

Walang gamot sa insecure Nobyembre 27, 2007

Posted by YouAreYou in Okrayan.
2 comments

Natatawa ako sayo! Binubuo mo ang araw ko sa mga banat mo! Isa kang malaking joke para sakin! *isang tawang malupit*

Pasalamat ka at mabait ako.. di ako nakikipag away sa mga katulad mong gumagawa ng eksena! Pero sa isang banda hindi ako papayag na titirahin mo ko ng ganun na lang. Kaya eto, dahil napaka bait mo maglalaan ako ng space para sayo dito sa blog ko… Matuwa ka! and be proud of yourself dahil ang isang tulad mo ay pinaglaanan ko ng panahon!

*Applause*

Teka moment ko toh.. Ahem! Ahem!

Kase naman.. kase naman.. ibabandera mo lang din naman yang sarili mo wag naman sa harap ko! Sablay ka kase! Di mo ba alam na honest siya? Malas mo lang sinasabi niya sakin lahat ng kalokohan mo sa text. Tinatawanan ko lang lahat ng mga ginagawa mo! Mahina ka pa!
Gagawa ka lang ng eksena sa mundo ng pwendster siguraduhin mo munang may maniniwala sayo. Gusto mo makipagbalikan sa kanya??
Fine! Go ahead! Iyo na siya! Ibibigay ko siya sayo ng buo. Walang labis, walang kulang (wala nga ba??). Total naman ang pinapalabas mo eh ako ang nang agaw! Di ba?!
O wag mo ideny?! nag hasik ka ng lagim dun at ako ang pinapalabas mong masama at ikaw ang kawawa!
Puwes ibabalik ko siya sayo kung yun lang din naman ang ipinuputok ng buchi mo! Hindi ako bababa sa level mo at makikipag away ng dahil lang sa lalake! Sabihin mo lang kung kelan at ipapa deliver ko diyan mismo sa harap ng bahay mo naka kahon with matching ribbon and card pa.. merry christmas in advance! O ayan ah sagot ko na yung shipping.. siguro naman wala ka ng angal niyan??

Ang lagay eh, bumalik nga ba talaga siya sayo??

Bago ka kase gumawa ng eksena kilalanin mo muna kung sino binabangga mo. Di mo ba alam isang malaking Pader ang binabangga mo! (oo pader ako! di lang halata)
Ok na sana eh. Kase tahimik kong minamatyagan ang mga kilos mo.. pero sumablay ka! Watch your words kase.. Tuloy nabasag ang katahimikan ko!

Ako kase binabanatan mo ng mga hirit mo. Wag ganun. Bad yun! Tuloy ang labas eh insecure ka.. Walang gamot diyan neng! Kahit sang ospital ka pa pumunta ako na nagsasabi sayo sisipain ka lang nila palabas!

Di ka pa tapos alam ko.. Maghahasik ka pa ng lagim! Yang mga hirit mo eh masusundan pa dahil nga kase super bait ko di kita papatulan. Bukas lang may makikita na naman akong dumi mo na naiwan sa profile niya. Sige gawin mo lang yan.. Naaliw kase ako sayo eh! Araw araw laugh trip toh!

People never fail to amuse me! (*evil laugh* kita na baga kakatawa)

Tag daw oh?! Nobyembre 26, 2007

Posted by YouAreYou in tag.
Tags:
6 comments

May nag tag sakin.. di ko alam kung ano ibig sabihin nun.. siguro ako yung taya ngayon??!! ako nga ba??

Isulat daw ang tatlong bagay na kinaadikan ngayon.. Super effort pa ko pag kuha ng picture ng sulat kamay ko.. Medyo malabo nga lang kaya pag tiyagaan niyo na lang.. picme418.jpg

Internet - Pag gising sa umaga pag tapos ng almusal eto agad ang unang una kong ginagawa.. Kase naman sa mundo ng internet marami kang magagawa.. Chat sa mga pinsan na sa ibang planeta na! ay ibang bansa pala.. hehe! Chat sa kuya ko na nasa opisina lalo na pag may inuutos sakin. Chat sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita. Check ng email kung meron nakaalala, Friendster at multiply na medyo nakakasawa na. Blog na bago kong kinalolokohan ngayon! Booyah!

T.V. - Pag tambay ka katulad ko, wala ka talagang ibang magagawa kung di kumain manood ng TV, matulog, at manood ulit ng TV.. pang palipas oras! Bukod sa mga paborito kong TV series katulad ng Grey’s Anatomy, Heroes, CSI, Kyle XY etc.. Kinalolokohan ko din ang mga reality TV shows tulad ng Survivor, Amazing Race, Kid Nation, PBB (lalo na ngayon house guest si Angel Locsin! hehe!) at Amazing Race Asia! (may pinoy kse na kasali ngayon dun) Kamusta naman ang grado ng mata ko! From 125/150 siguro nasa 200 na ko ngayon! hahaha!

Tsinelas - who ever said Tsinelas are the new Stilettos.. I totally agree! hehe! Adik ako sa Tsinelas or Flip-Flops para sa mga sosyal! Pag lumalayas kame ng kuya ko sinisiguro ko na lagi akong may uwing tsinelas pang dagdag sa koleksyon ko. Komportable kase ako pag suot toh at hindi mahirap maglakad di tulad ng heels. Marami ngayon ang nagsusuot nito mapa lalake, babae, pati mga bata, kahit nga mga matatanda makikita mo naglalakad sa mall na naka tsinelas, at wag ka Havaianas pa ang tatak! haha!

Sunod na tanong..

Whats in a neym??

Bahagya ko ng nailantad ang aking katauhan dito.. sa kabila nito pipilitin ko pa din maging pribado ang aking identity at pangalan. Kaya Hindi ko sasagutin ang tanong na ito… Pasensiya na.. hehe!

Ngayon ipapasa ko ang tag na ito kay joanjoyce at kay cdy173 kayo ng bahala kung gusto niyong sagutin ang mahiwagang Tag na ito.. Kayo naman ang taya!

Ganito ka ba mag english?! Nobyembre 22, 2007

Posted by YouAreYou in Okrayan.
8 comments

37.jpg

natisod ko sa multiply habang nagmamatyag ako! *wink* *wink*

Salute To You! Nobyembre 22, 2007

Posted by YouAreYou in Random Thoughts.
2 comments

Nakatambay ako sa WPP kanina..

Browse ‘click’. Basa ng konti.. sabay post na rin ‘click’

Natisod ko ang isang topic: “Featured blogger of the week” .. interesado akong malaman kung sino ‘click’

Base sa mga reply sa post na ito dun pa lang ay malalaman mo na maraming nagmamahal sa kanya.. ‘click’

brokenman.wordpress.com dito ako dinala ng link..

Binasa ko ang nilalaman, very inspiring, ang blog na ginawa nya ay siya na mismo. Sino kaya ang manunulat sa likod ng blog na ito? ‘click’ binasa ko.. at namangha ako sa kanya. Sa tibay ng kanyang loob sa kabila ng kanyang karamdaman. Words of faith, and inspiration, nakakiyak din yung iba nyang posts, tagos sa puso. Isa akong nars at alam ko na hindi madali ang pinagdadaanan niya. Pero dahil sa kanyang tibay ng loob nalalampasan niya ang araw araw na pagsubok.

I give my Salute to you Sir! I don’t know you personally but my prayers are with you. Have Faith, be strong! Laban lang!

Sponge Nobyembre 21, 2007

Posted by YouAreYou in Random Thoughts.
5 comments

You know how a sponge works right? buhusan mo ng tubig maabsorb nito lahat, at pag sinubukan mong hawakan ramdam mo ang bigat nito dahil sa tubig.
Ganun ako kahapon! para akong human sponge! Yun nga lang di ako nagaabsorb ng tubig…

Kahapon paguwi ko galing sa layasan, naka receive ako ng text galing sa isang matalik na kaibigan; “asan ka?” nagtataka ako dahil di niya ko hahanapin ng ganun na lang.
Nag online ako sa YM at nandun siya.. agad siya nagsend ng message sakin… uhmm kaya pala.. may problema siya..
Being a good friend of hers hinayaan ko siya magsabi ng problema.. medyo nahirapan nga lang ako magbigay ng payo dahil di ko alam kung ano talaga yung buong pangyayari.. may sarili din kase akong problema kaya hindi ganun kadali magbigay ng payo. Pagkatapos namin magusap medyo na relieve naman siya, sana…
Hapon na nag text sakin ang isa din mabuting kaibigan, wala pa ako nirereply nagtext ulit siya.. Ayun may problema din siya.. Pero alam ko naman kung ano yung dinadaing niya kaya ok lang. Hinayaan ko din siya magsabi ng problema, at nagbigay din ako ng konting payo.. kung payo nga yung matatawag dun! hehe!
Ano na nangyari sakin pagkatapos nun?
Ang bigat ng pakiramdam ko, parang gusto kong umiyak na ewan.. sinubukan ko ilihis ang atensyon ko at gumawa ako ng bagong blog sa wordpress… pero hindi ako makapag concentrate!
Hati ang atensyon ko! Naiisip ko ang problema ng dalawang kong kaibigan at dagdagan mo pa ng malaking sekreto ng isa ko din kaibigan na hindi puwedeng sabihin sa tropa!
Parang sasabog na yung utak ko! Pati pag gawa ng blog kinainisan ko na rin..!

Ngayon naman siguro alam mo na kung bakit ko na sabi na isa akong human sponge?!
Ganun ako. Pag may nagsabi ng problema sakin naabsorb ko ito na parang tubig.. at pagkatapos ang bigat ng pakiramdam ko.
Ako talaga ang takbuhan ng mga kaibigan ko pag may mga problema sila, kung di man ako makapagbigay ng payo sinisiguro ko sa kanila na nakikinig ako. Yun nga lang kase hindi ako marunong magsabi ng problema, dinadadaan ko ng lang sa ngiti at tawa para di halata na may malaking problema din akong dinadala.
Hindi ko din alam kung bakit ako ganito, bumibigat yung pakiramdam ko pag katapos nila magsabi ng problema sakin.. Im not saying its bad thing, nagtataka lang ako.
Masyado ko siguro dinidibdib lahat ng sinasabi nila..

Pag ganito yung nararamdaman ko kailangan ko ng output.. kaya kahapon nagpatugtog ako ng malakas at sinabayan ko ang bawat linya ng kanta.
Medyo ok na naman ako pagkatapos.. Kaya lang halata pa din na stressed ako.
Hinintay ko na lang gumabi at dinaan ko na lang sa tulog.

Ramdam mo ba ang asenso?! Nobyembre 21, 2007

Posted by YouAreYou in Random Thoughts.
7 comments

Kung nanonood ka ng TV lalo na sa gabi malamang ay familiar ka sa commercial na may tagline “Ramdam ko ang Asenso!”. Halos isumpa namin ang commercial na toh! Sinasabi na nga lang ni kuya at ng nanay ko, “swerte naman nila! dahil sila nakakaramdam ng asenso!” pero sa totoo lang alam naming pakitang tao lang yung commercial na yun! Nakakainis isipin na sa kabila ng kahirapan ng ibang kababayan natin ay nagagawa pa nilang gumawa ng ganito para patunayan lamang sa tao na may nagagawa ang gobyerno sa ekonomiya ng bansa! Hindi na sila dapat nagyayabang at puro salita na lang sila… Hayaan na lang nila na ang tao ang humusga sa kasalukuyang kinatatayaun ng bansa natin!
Nabalitaan mo ba? Nung isang linggo na alarma ang gobyerno dahil may 11-anyos na bata ang nagpakamatay sa davao sa dahilang “Kahirapan.” Ang sabi ng DOH sa edad ng bata na 11-anyos ay wala pa siyang kakayanan na magisip ng tungkol sa suicide. Sarado ba ang isip niyo?? O sadyang nagbubulag bulagan lang talaga kayo??
Sa panahon ngayong laganap ang child labor maagang tumatanda ang isip ng mga bata, sa edad na 5 - pataas nakakaranas na sila ng hirap dahil maaga silang namulat at ang kanilang munting katawan sa pagtatarabaho para lang may itulong sa pamilya nila. Kaya di malayong mangyari maisip nilang magpakamatay dahil nga sa kahirapan. Nakakalungkot isipin na sa kanilang edad ay maaga na nilang nakalimutang maging bata at magisip bilang isang bata.
Ngayon ay malaking usapan sa kongreso ang nangyari sa batang nagpakamatay, as usual naghahanap sila kung sino ba ang dapat sisihin! Kailangan ba may mag buwis muna ng buhay bago ma alarma ang local na pamahalaan tungkol sa usaping kahirapan?! Hindi na sila dapat nagtuturuan dahil gobyerno mismo ay may pagkukulang!
Sinabi din ng isang departamento nitong taon din na ito na “hindi na naghihirap ang bansa natin, marami lang nagugutom!”. Sinong niloko niyo! Hindi ba’t ganun din yun! Maraming nagugutom dahil marami pa ang naghihirap!
Bakit hindi na lang nila aminin sa mga sarili nila na sadyang naghihirap pa rin ang bansa natin.
Oo nga at marami na ang mga umaasenso, pero hindi ba’t sila din ang mga taong may mga business na pinagkakakitaan? Paano na ang iba nating kababayan na naghihirap ngayon?

“The Rich becomes richer and the Poor becomes poorer!”

Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit maraming gustong makipagsapalaran sa ibang bansa para makahanap ng magandang trabaho para sila ay Umasenso!
Dismayado ako sa balita tungkol sa bata, kinilabutan ako sa naging reaksyon ng pamahalaan patungkol dito. Kung sana ay hinaharap nila ang problema hindi sana sila napapahiya sa tao!

Sa susunod na mapanood niyo ang commercial na sinabi ko sa inyo.. magisip kayo.. At itanong niyo sa sarili niyo, Ramdam ko ba ang asenso? Kung Oo.. masuwerte ka! Kung Hindi.. puwes hindi ka nagiisa!

not another weblog?! Nobyembre 20, 2007

Posted by YouAreYou in Random Thoughts.
1 comment so far

getting used to this, after a while.. someone reminded me unintentionally that i should make another account here. oh well! if i get tired writing my stuff, or if my brain stops bleeding then i should cancel my account. Oh when will my brain stops bleeding green?! haha! *wink*