Mismo January 29, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Random Thoughts, Sabi ko.18 comments
Dahil wala akong magawa kanina namasyal muna ako, sa friendster, multiply, at sa youtube. Naalala ko yung lumang commercial ng coke dati kaya sinubukan kong hanapin baka sakaling may nagupload sa youtube. At meron nga..
Sa lahat ng commercial ng coke eto ang peborit ko… simple lang pero astig!
Sandali lang ata toh pinalabas o kung pinapakita man sa tv hindi kumpleto.. sayang nga at hindi na pinapalabas..
At meron pa pala… Naalala niyo toh?
Eto ang beat sabay sabay, eto ang beat walang sablay… na miss ko toh sobra! hehe!
Naalala ko nilalaro namin toh nung college ako lalo na pag wala pang prof.. maingay at masakit sa kamay kase hahampasin mo yung mesa tapos siyempre dapat may kasamang kanta. haha!
Kahit san nilalaro namin toh lalo na pag dinapuan kami ng antok at wala kaming magawa kahit sa mcdo, jollibee o jeep wala kaming pakialam eto talaga ang all time pampalipas oras.
In fairness medyo kabisado ko pa siya.. ahaha! ![]()
ukay-ukay ng lumang posts January 29, 2008
Posted by YouAreYou in Random Thoughts, tag.1 comment so far
eto agad ang bumungad sakin, tag ni lilmiz hehe! palalampasin ko ba naman toh? siyempre hinde..
Rulez: Go through your archive and choose five of your favorite posts about your family, friends, yourself, something you love and lastly, one of your choice..
Mabilis lang toh. Ready ka na? teka ah……
Ok game!
>Family - Eto yun eh
kase eto yung nakabati ni kapatid.. wahehehe! wala ng mas sasaya pa kung di ang makagamit ng pc pagbabati namin ni uyah!
>Friend - party namin kuno
eto na ata ang pinaka memorable na party namin ng aking tropapipz dahil nangyari lahat yun kahit may sakit ako.. haha!
>Myself - me, myself, and i
random things that you don’t need to know bout me.. lolz!
>Something i lab - Tsinelas
tag din yung post na toh eh pero nandun naman ang aking pinakamamahal na thing haha!
>My choice - i lab this post
para sa b***h na kumokontra sakin! nyahaha!
ngayon ay ipapasa ko ang tag na toh…. kay….
kayhit kanino! hehe! bahala na kyo kung gusto niyo gawin basta kung sino ang makabasa nito ay automatic na-tag na! hahaha! ![]()
Beagle Pups for SALE January 24, 2008
Posted by YouAreYou in Uncategorized.15 comments
![]()

No post for today… Raraket muna ako dito… Nyahaha! ![]()
My friend is selling her Beagle Pups
Kalahi ni snoopy For SALE!
Pups are 2 months old
Date of Birth: November 16, 2007
With PCCI registration, with vaccination and dewormed
Price: 9k for male and 11k for female still negotiable
For questions and inquiries please text the number on the first picture and look for Marctom.
Bakit ganun??? January 22, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Rant.11 comments
Sa panahon ngayon isa pa rin bang malaking factor ang itsura ng isang tao pagdating sa paghahanap ng trabaho?
Kailangan ba maganda, seksi at 34-24-36 ang vital stats… sa itsura na ba ng isang tao nasusukat ang kakayahan nito mag trabaho? sa itsura na ba nasusukat ang talino? Pano kung maganda nga siya pero tamad naman, seksi nga siya pero kinakalawang na ang utak?
Sa linya ng propesyon ko di ko naisip na pati samin eh may discrimination! Binabase ang kakayahan sa itsura, sa laki o liit ng katawan. Nakakalungkot isipin pero totoo!
Seksi, matangkad, maputi, kumpleto ang ngipin, plastic ngumiti at with pleasing personality? Aba! baka stewardess ang hanap niyo at hindi nars?! Ok lang sana ako sa ganito walang kaso sakin.. katunayan mas maganda sana kung lahat ng mga nabanggit ko ay meron ka at haharap ka sa pasyente, makakita lang sila ng maganda napaganda mo na din ang araw nila. Baka nga bigla na lang silang tumayo at sabihin nilang magaling na sila at wala na silang nararamdaman. Pero pano naman ang iba? ang iba na hindi maganda, ang hindi seksi?
Isang kaibigan ko ang nakaranas ng ganito… Discrimination! Bakit? Dahil Mataba siya! Tama ba yun?! Matalino ang kaibigan ko at di hamak na mas kabisado niya ang heart conductivity kesa sakin, pero di siya tinanggap dahil mataba siya. Nagulat ako nung sinabi niya sakin toh, akala ko pa nga nagbibiro siya pero totoo. Hindi naman siya mataba na tipong dalawang tao na ang sakop niya pag nakasakay siya ng jeep, tamang chubby lang pero di pa din siya tinanggap. Sabi ko nga sa kanya mas may advantage nga siya sa built ng katawan niya, dahil kung ikukumpara mas kakayanin niyang mag buhat ng pasyente, ako di ko kaya kailangan may katulong ako dahil payat ako. Kung sa mga ospital na aaplyan niya eh marereject siya dahil sa katawan niya, eh di parang nasayang na din ang pinagaralan niya. Hindi ko na tinanong kung anong ospital yun pero malamang private yun. Sana lang hindi lahat ng ospital ganito..
Nakakalungkot isipin pero totoo…
Hindi perpekto ang mundo… At walang perpektong tao…
Oh my tooth ache! January 16, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Rant, Sabi ko.11 comments
IT HURTS YAH KNOW!
Sabi ni mader magpatingin na daw ako kay doc ang aking friendly dentist, baka kailangan ko ng magpapasta ulit. Kaya lang tinatamad ako. Ang payo naman ni kuya pa check-up sa dental clinic na malapit sa office niya, magpapa schedule lang daw ako dun, yun lang magpapa schedule ako pero di ako pupunta hehe!
Bata pa lang ako mahilig na ako kumain ng matamis, at kumagat ng yelo. Kaya nung nag papasta ako, sinabihan ako na tigilan ko na yung pagkagat ng yelo dahil nakakasira daw talaga ng ngipin yun. May i follow naman ako kay Doc, masunurin naman ako na pasyente eh. Eh ang kaso, hindi naman yelo ang nakadali sakin ngayon kung di yung maliliit na bato na nasa sinaing namin. Biktima lagi ako nun! Bigla ko na lang nakakagat tapos mararamdaman ko na pati yung ngipin ko unti unti ng nagkakalamat. Lagi din naman ako nagtututbrash kaya wala akong ibang sisihin kung di yung mga maliliit bato na nasa sinaing namin!
Sana pag nagpa check up na ko hindi sabihin ni Doc na “iha kailangan na nating bunutin ang ngipin mo” Waaaaah! ayoko nun!
bilang ganti sa paghihiganti January 14, 2008
Posted by YouAreYou in Sabi ko, tag.2 comments
Pangalawang Tag sa taong 2008. Eto ay bilang ganti sa paghihiganti ni REPAH sakin. Weeeeeh! Di naman masyadong busy ang lola niyo kaya ginawa ko na ang tag na ito.
Ready na kayo?? Ako kanina pa…
Bago muna gawin ang tag.. kailangan muna ng mga sumusunod… kung ayaw niyo sundin bahala kayo.
(pakopya Repah ah
)
1. papel
2.lapis/bolpen o khit anu basta sumusulat
3.panyo????-bakit???? english kc ito eh! manonosebleed kayo! kaya buti na at nakahanda..
***Test yourself***
THINK DON’T SMOKE
BE HONEST..don’t lie in your heart.we know that cigarette smoking is dangerous to our health.
1. What would you do during Weekends?
a. Read books
b. Play sports
c. Do household chores
d. Go on trip
my answer: C (Amo ako pag weekdays pagdating ng weekends nagiging katulong ako… nyahaha!
)
2. You dream to be:
a. World Champion
b. Campus Crush
c. Scientist
d. Dream date
my answer: A (world champion ng kahit anong sport… Libre naman mangarap di ba?
)
3. What’s your favorite music?
a. Rock
b. Rap
c. Pop
d. Ballads
my answer: C (All time peborit yan… haha! soooo Highschool!
)
4. What’s in your closet?
a. something original and wild
b. latest fashions
c. something classic
d. same as your friends closet
my answer: C ( sunod pa rin sa uso kahit pinaglumaan na… hehe!
)
5. You watch
a. Romance
b. Sci-fi
c. Comedy
d. Thriller
my answer: B
*****end of questions*****
RESULT: i got 10 points! Parang naka kuha ako ng perfect score sa exam ah… haha!
“YOU LIVE SOCIALLY, YOU KNOW HOW TO BE WITH OTHERS AND THEY LIKE YOU AS YOU ARE. YOU DONT NEED A CIGARETTE TO WITH”
Hindi dito nagtatapos ang tag na ito. Alam kong alam mo na may kulang dito… Malamang hinahanap mo ang resulta..
Siyempre may twist toh para masaya! pinahirapan ako ni Repah dito kaya pahihirpan ko din kayo nyahaha!
(pakopya uli ah.. :D)
ang rules: KOPYAHIN ANG TANUNG TAPOS ITAGO ANG SAGOT SA ISA SA PAHINA NG IYONG BLOG O KHIT SAAN MO ITAGO BASTA HINDI NAKIKITA.. IPAALAM ANG LUGAR NG SAGOT PAGKATAPOS MASAGUTAN… BASTA KYO NG BAHALA ANG HIRAP IEXPLAIN… PAGKATPOS, SYEMPRE AS USUAL I-SHARE ITO SA 10 (SAMPU,TEN,DIYES) TAO.. PARANG FELLOWSHIP
SA MGA KAPATID MO SA PANANAMPALATAYA ESTE SA MGA KA-BLOG O KHIT KANINO!OK BA!!! PAHIRAPAN MO CLA..
Walang ibang page ang blog ko kaya medyo nahirapan ako kung san ko ito itatago. Pero kahit papano eh nakahanap ako ng lugar…
Dito oh….. Sagot sa Tanong
Yung papasahan ko ng tag sila kuya ice, si kuya gasti, si fau (tambak ka na ng tag sakin ah! hehe! ), ate ris, at si evilinside (oist gawin mo toh ah! peace!
). Yun lang muna di na ako aabot ng sampu… hehe! sensya di ako marunong sumunod sa rules eh… hehe!
Tag Done!
Nakita kita…… sa panaginip ko… January 10, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Muni Muni, Sabi ko.6 comments
Pag nanaginip ako, kadalasan pag gising ko di ko na toh maalala, o kaya hindi malinaw. Pero nung isang gabi malinaw sakin ang panaginip ko at hanggang ngayon naalala ko pa. Sobrang weird nga lang ng panaginip ko… di ko tuloy alam kung panaginip ba yun o bangungot.. hehe!
Teka medyo humahaba na entrada ko eh… kwento ko na nga…
Pumunta daw ako sa mall hindi ko alam kung anong pakay ko dun basta naglalakad lang ako… Tumigil ako sa isang spot na maraming tao, nagkukumpulan sila na parang mga langgam na nagppyesta sa isang malaking candy. May lumingon na isang babae sabay sigaw ng YOU!!!! Huh?? Ano daw?? Ako ba yun?? Chinika ako nung babaeng yun.. sabay hatak sakin at dinala ako dun sa mga taong nagkukumpulan. Langyah! Grand EB pala ng mga bloggers! At yung humatak sakin eh si Lilmispasaway, Oha! kumpleto ang mga blogging friends ko.. lahat ng nasa blogroll ko nandun.. si Gasti, si Maldito, si Repah, si Ice, pati na ang mga nasa ibang bansa nandun sa EB na yun, teka kailangan ko pa ba isa isahin, basahin niyo na lang dun sa sidebar ko. Makulit at masaya yung eb na yun sa panaginip ko.. nagaasaran si gasti at si maldito pati si Ice nakisali din. Nagkayayaan daw maginuman hindi ko alam kung sang lugar yun basta parang nag shift na lang ng ibang scene at biglang nasa isang bahay na kami. Hanggang sa nagising na ko.
Hindi naman siya weird talaga kung tutuusin eh, ano ba naman yung mapanaginipan ko kayo at nag EB tayo di ba. Yun nga lang kase, lahat kayo sa panaginip ko eh malinaw ang mukha… As if naman nakita ko na kayo di ba?? Eh bakit kitang kita ko kung anong itsura niyo sa panaginip ko, pati na yung mga pilit na tinatago ang kanilang identity. Puwera na lang kay maldito at kay repah na minsan ng binandera ang mga piktuyrs dito sa WP… hehe!
Ang iniisip ko naman, siguro yun yung iniimagine kong itsura niyo kaya ganun… Ganun ba yun? Sana nga ganun yun… Hanggang ngayon na wiweirduhan pa rin ako sa panaginip na yun…
Kung maipaliliwanag niyo kung bakit ganun ang panaginip ko…. Please explain….
Thank you! ![]()
isang walang kwentang post January 9, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Muni Muni, Okrayan, Random Thoughts, Rant, Sabi ko, sadness.6 comments
BABALA: Isa itong walang kwentang post ng may akda. WAG BASAHIN.
Hindi ko inisip na darating ang araw na toh. Ang araw na wala akong maisip na isulat. Ilang araw na din ako nagkakamot ng ulo at laging nakakunot ang noo sa kakaisip “ano bang magandang isulat?”. Bagong ayos pa naman ang bahay ko tapos wala akong maisulat, kahit isang salita man lang ay wala akong mai-type. Marami akong naiisip, pero hindi yun ganun kalalim para isulat ko dito. Sabihin na natin na naging napaka walang kwenta ng buhay ko nung mga nakaraang araw, kaya kahit ako ay walang ganang ikwento sa inyo ito. Oh bummer!
Isa na ba tong sign na kailangan ko ng itigil ang aking blogging career?? (shocks! as if kumikita ako dito hehe!) or isa rin itong sign na nababawasan na ang neurons ko at hindi ko na ma exercise ang aking brain?? Malamang yun yon!
eto ang mga gusto kong isulat na hindi ko alam kung dapat ko pa isulat dito…
* Pumunta ako sa bahay ni ex nung sabado para ibigay ang gift ko sa mama niya, sinali kase ako sa kris kringle nila at si tita ang nabunot ko, bday din ni tita kaya pumunta na ko ng personal dun… pero sa totoo lang pagkain lang habol ko.. lolz!
Kami ba ulit? uhmmm we’re working on it.. ang lablyf ko eh kasing gulo ng utak ko!
* Nainis ako sa tropa ko nung isang araw. naka receive ako ng message galing sa kanya at ang nasasaad ay… “Pare nakalimot ka na ata” Damn it! Hindi lang ako nagttext nakalimot na ko?! wala akong source of income noh! kasalanan ko ba kung di ako nagloload at hindi ako nag ttext sa kanila?! inisip ko tuloy kung may okasyon nung araw na yon… wala naman mag bbday sa tropa ko pero ganun ang text niya sakin.. It hurts you know! Pag may problema naman sila to the rescue ako lagi… eh wala naman silang problema ngayon eh! Ngayon nga lang ako di nagpaparamdam nakalimot na ko! Nag papamiss ako noh! Puntahan nila ko dito sa bahay kung gusto nila ko makausap.. nyahaha!
* Kung mapapansin niyo or kundi niyo pa napapansin eh please lang pansinin niyo na… Bagong gawa ang aking mumunting bahay… (balak ko pa palagyan ng second floor eh pero mapapamahal ako sa gastos lolz!
) Courtesy of my Big Brother ang header ko, pagkatapos ng ilang lambing at pangungulit eh finally bumigay din siya at ginawa niya din ako hehe! He’s lurking around somewhere… pakihanap na lang… hehe!
dati sa blogspot siya tumatambay pero ngayon eh binigyang pansin na rin niya ang kanyang WP blog.
* Nag follow-up ako ng application ko sa isa sa mga inaapplyan ko. Interview na lang kase ang hinihintay ko dun. Tinanong ko kung may schedule na sila ng interview eto ang naging usapan namin.
Moi: Hello Good Morning! NS office?
Lady: yes!
Moi: Ma’am i would like to ask.. may kung may schedule na po for interview.. (sorry my english is bad kaya hindi na ko nag feeling na mag ingles)
Lady: Nakapag exam ka na ba?
Moi: Yes ma’am last november pa po…
Lady: ah ok.. iinform ka naman pag may schedule ka na ng interview so pakihintay mo na lang ok?
Moi: ok. Thank you!
Amputek! maghihintay na naman ako???
* Nung bagong taon nakisabay ako sa putukan. Ubo ang panlaban ko sa mga paputok nila. Di hamak ata na mas malakas yung ubo ko kesa sa mga super lolo at triangle na hawak nila! lolz!
Yun nga lang hanggang ngayon may ubo pa din ako samahan mo pa ng sipon… Kaya hanggang ngayon nag cecelebrate kami ng bagong taon sa bahay. Ang masaya nun eh hindi lang ako ang may ubo, pati kuya ko meron na din… at ang nanay ko kahapon nag reklamo nahawa daw siya samin. Ang lakas ng virus ko! Nyahaha!
Oh? sabi na eh… walang kwenta tong post ko… Bakit binasa mo pa???
To all Clementines January 4, 2008
Posted by YouAreYou in Muni Muni, Random Thoughts, Sabi ko.Tags: Love
9 comments
Habang naghahalungkat ako sa blog ko sa Friendster, may natisod akong isang entry ko nung college pa ko, isang anonymous author ang nagsulat nito at shinare ito ng isang editor sa school paper namin. Hindi ko makalimutan ang kuwentong ito… At ngayon gusto ko naman i-share sa inyo…
Dreams do come true… a story that will inspire you to hold on to a promise and not to let go…
******
My husband is an engineer by profession, I love him for his steady nature, and i love the warm feeling when i lean against his broad shoulders. Three years of courtship and now, two years into marriage, I would admit, that I am getting tired of it. The reasons of me loving him before, has now transformed into the cause of all my restlessness.
I am a sentimental woman an extremely sensitive when it comes to a relationship and my feelings, I yearn for the romantic moments, like a little girl yearning for candy. My husband is my complete opposite, his lack of sensitivity, and the inability of bringing romantic moments into our marriage has dishearted me about love. One day, I finally decided to tell him my decision, that i wanted a divorce. “Why?” he asked, shocked. “I am tired, there are no reasons for everything in the in the world!” I answered. He kept silent the whole night, he seems to be in deep thought with a lighted cigarette at all times. My feeling of disappointment only increased. Here was man who can’t even express his predicament, what else can I hope from him? And finally he asked me: “What can i do to change your mind?” Somebody said it right, it’s hard to change a person’s personality, and I guess, i have started losing faith in him. Looking deep into his eyes i slowly answered: “Here is the question, if you can answer and convince my heart, I will change my mind, Let’s say, I want a flower located on the face of a mountain cliff, and we both are sure that picking the flower will cause your death, will you do it for me?” He said: “I will give you your answer tomorrow…” My hopes just sank by listening to his response.
I woke up the next morning to find him gone, and saw a piece of paper with his scratchy handwriting, underneath a milk glass, on the table near the front door, that goes…
My dear, “I would not pick that flower for you, but please allow me to explain the reasons further.” This first line was already breaking my heart. I continued reading. “When you use the computer, you always mess up the software programs, and you cry in front of the screen, I have to save my fingers so that I can restore the programs. You always leave the house keys behind, thus, I have to save my legs to rush home to open the door for you. You love traveling but always lose your way in a new city, I have to save my eyes to show you the way. You always have the cramps whenever your “good friend” approaches every month, I have to save my palms so that I can calm the cramps in your tummy. You like to stay indoors, and I worry that you will be infected by infantile autism. I have to save my mouth to tell you jokes and stories to cure your boredom. You always stare at the computer, and that will do nothing good for your eyes, I have to save my eyes so that when we grow old, I can help clip your nails and help remove those annoying white hairs, and hold your hand while strolling down the beach, as you enjoy the sunshine and the beautiful sand… and tell you the color of flowers, just like the color of the glow on your young face… Thus, my dear, unless I am sure that there is someone who loves you more than I do… I could not pick that flower yet, and die.”
My tears fell on the letter, and blurred the ink of his handwriting… and as I continue on reading… “Now, that you have finished reading my answer, if you are satisfied, please open the front door for I am standing outside bringing your favorite bread and fresh milk…” I rushed to pull open the door, and saw his anxious face, clutching tightly with his hands, the milk bottle and loaf of bread. Now I am very sure that no one will ever love me as much as he does, and I have decided to leave the flower alone… That’s life and love. When no one is surrounded by love, the feeling of excitement fades away, and no one tends to ignore the true love that lies in between the peace and dullness. Love shows up in all forms, even very small and cheeky forms, it has never been a model, it could be the most dull and boring form, flowers, and romantic moments are only used and appear on the surface of the relationship. Under all this, the pillar of true love stands… and that’s our life…Love, not words win arguments…
Venteng mga tanong January 2, 2008
Posted by YouAreYou in Life, Sabi ko, tag.5 comments
a tag from ice and lilmiz, medyo napending ng ilang araw toh eh kaya eto na aking homework.. =)
rules: remove 1 question from below, and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag 8 people in your list, list them out at the end of this post. Notify them in their chat box that he/she has been tagged. Whoever does the tag will have blessings from all.
1. At what age do you wish to marry?
- uhmm cguro pag nagawa ko na lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko as a person. after nun puwede na kong
magpasakalmagpakasal…
2. What color do you like most?
- Green! kase green minded ako! nyahaha! joke! pero totoo green ang gusto kong color, but if you see some of my stuff pink ang dominant color…
3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?
- wag mo kong mahalin ng sobra.. dahil di mo pa kilala… (parang linya sa pelikula ah.. hehe!)
4. What kind of shoes that fits your personality?
- Shoes?? uhmm puwede Tsinelas,, hehe! Tsinelas kase matibay pero may chances na madaling masira… parang ako… i may look tough but im broken…
5. Which part of you that you hate the most?
- Legs
6. When you encounter a sad moment, what would you do?
- Most of the time di ko pinapansin or iniiyak ko na lang pag ako lang magisa… matakaw ako pag may problema ako, yun yung output ko.. hehe!
7. What are you afraid to lose the most?
- Losing a loved one… lalo na sa family… ayoko magising isang umaga na wala na silang lahat…
8. If you win $1 million, what would you do?
- mukhang impossible pero dahil libre ang mangarap eto.. magpapatayo ako ng mansyon na pinapangarap ng nanay ko, bibili ako ng kotse tapos papalitan ko lahat ng parts gagawin kong pang drag racing. pupunta kung saan saan. at kung may matira man itatago ko na sa bangko hehe!
9. If you meet someone that you love, would you confess to him/her? Or would you keep it to yourself and observe from afar?
- babae ako, pero torpe din kaya sa malamang itatago ko sa sarili ko, depende na lang kung may gusto din yung tao sakin di ba..
10. Do you have straight hair?
- yup! pero balak ko magpakulot eh.. hehe!
11. What are the requirements that you wish from your other half?
- basta tao ok na! lolz joke! Yung kayang makatagal sa kakulitan at pagiging isip bata ko, may sense of humor, makuwento like me pero yung may sense ah, at yung taong hindi takot sa commitment..
12. Till now, what is the moment that you regret the most?
- masyadong marami eh di ko na iisa isahin, but one thing’s for sure pinagsisihan ko man lahat ng yun eh may natutunan naman ako…
13. Which type of person do you hate the most?
- posers at yung mga taong pinanganak na may katabing orocan at tupperware!
14. What is your ambition?
- natupad ko na yun ngayon eh, pero ngayon may gusto pa kong mangyari… uhmmm makapag masteral and pag may chance eh gusto ko maging doctor..
15. What is the thing that will make you think he/she is bad?
- depende… may standards kase ang pagiging bad.. pag pumapatay siya ng tao yun bad na yun!
16. If you had one wish what would you wish for?
- to eliminate global warming! nangyayari na yun ngayon kaya sana magawan ng paraan para masugpo ang global warming…
17. If you can relate your life now to a song, what will it be?
- Nice and slow by usher, and go on girl by ne-yo
18. Name one of your body part your hubby or boyfriend tells you he adores.
- my feet… ewan ko ba ano ba meron sa paa ko…
19. It would be 2008 in a few days, do you have a new year’s resolution?
- yeah! i need change!
20. If your better half is cheating on you, will you forgive him or her?
- yup! forgive and forget….
Now im tagging… ate ris, fau, gasti, repah. Di na ko aabot ng 8 dahil halos lahat sa blog roll ko nagawa na yung tag na toh.. ![]()






